Ingat, ingat…

November 27, 2008 at 4:20 pm Leave a comment


Ang hirap talagang maging babae. Dumadaan na sa sangkatutak na physical at emotional growth, tapos sandamakmak na sakit pa rin ang posibleng makuha. Andyan ang sakit sa matris, obaryo, breast, mayoma, na iilan lang sa common na sakit sa babae. Minsan nag-iingat na nga, pero tinatamaan pa rin.

Galing lang ako sa OB-Gyn ko nung Martes. Follow-up check-up ko mula ng sumailalim ako sa puspusang pagsusuri (thorough examination—lalim… hahaha!) noong July to check kung may bukol pa rin ako sa matris o cervix. Noong nasa ‘Pinas pa kasi ako, nakitaan na ako ng cyst sa cervix ng dati kong OB. Pinainom ng gamot para malaman kung mawawala. Nung sumunod na check-up, nagpapansin ang ovary ko. Nainggit yata kay matris kaya ininvite si cyst2 pero physiological lang naman daw sabi ng doktor. Ibig sabihin, epekto lang marahil ng hormonal imbalance at mawawala rin. Magkakape lang at aalis din. Pero dalawa pa rin sila dahil andun pa rin si cyst1 sa cervix ko. Nahiyang yata sa gamot kaya tinamad na umalis. Mukhang nagpatanggal pa ng hilo. Gusto kong mag-panic pero hindi naman mukhang kabado ang OB ko kaya nakalma na din ako.

em_0351

Hindi lang simpleng papisil-pisil at pakapa-kapa ang pinagdaanan kong test. Bukod sa ilang ulit na pap smears, dumaan din ako sa pelvic/transvaginal ultrasound upang i-check kung may persistent mass nga ba talaga o naduling lang yung doktor physiological cyst (also known as “functional cyst) lang. Hindi din biro ang gastos dahil ang pelvic ultrasound lang ay mahigit sa P2, 000 na ang halaga. Mabuti na lang at dependant ako ni Emengard sa health card niya sa dating kompanya kaya nalibre halos lahat ng medical expenses namin. Naka-schedule pa sana akong bumalik pero tinamad na ko. Umalis na noon si Emengard sa kompanya kaya naisip ko na magiging mabigat na sa bulsa ang pagpapacheck-up ko. Dumagdag pa ang mga anik-anik na sakit sa utak na di ko alam kung saan nagsimula. Sa puntong ito naisip ko na baka hypochondriac ako at dala lang ng imahinasyon ang mga sakit na naramdaman ko. 2006 ang huling punta ko sa OB.

After 2 years, naisipan ko ulit magpatingin sa OB pagkatapos kong makaramdam ng matinding kirot sa puson last July (na hindi bunga ng “pagkabitin” kung yun ang nasa utak mo—na inakala ko din dati—pero hindi talaga). Amfotek! Mas matindi pala ang presyo ng check up dito sa SG. Pati na rin ang mga examinations. Initial check-up pa lang eh mahigit P3000 din ang nagastos ko. Muntik na himatayin si Emengard nang makuha ang resibo (buti na lang reimbursable ‘yun expenses sa company niya ngayon). At ganun pa rin ang resulta, may nakita pa ring cyst sa cervix ko. Pero this time, maliit na lang at wala ng pinainom na gamot. Oobserbahan na lang kung magpapalaki pa ang kumag. Nakakatuwa lang dahil matiyaga ang support group ng ospital sa follow-through. Nakareceive muna ako ng text mula sa assistant ng OB ko para sa susunod na schedule ng check-up. At noong Tuesday nga iyon. Diretso agad ako sa Diagnostic Imaging section kung saan ginagawa ang ultrasound. Pinay ang radiologist at medyo napasarap pa kami sa chikahan about buhay-buhay kaya pati ‘yung susunod na pasyente na panay na ang ding-dong sa labas eh dinededma. Dapat nalaman ko na noong araw din yung ang resulta ng follow-up check up. Pero tinawag sa delivery room ang OB ko at naiwan akong naghihintay. Since mahigit tatlong oras ng wala sa desk niya sa opisina si Emengard at nagbubulakbol matiyaga akong sinasamahan, nagpasiya akong i-delay ang resulta at magpa-reschedule na lang. Hindi ako kinakabahan. Malaki rin ang naitulong ng pagsisiguro ni kabayan na wala akong dapat ikatakot sa cyst na ‘yun. Normal nga lang, kumbaga. Dasal ko na hanggang ganun na lang sana ‘yun at wag nang lumala pa. Naalala ko tuloy ang isang kaibigan sa Pinas na nakausap ko noong Lunes bago ako bumisita sa doktor. Naka-schedule na siyang operahan para alisin ang cyst sa cervix niya. Nasa early 20’s pa lang siya pero kailangan na niya ma-experience agad ‘yun.

Hay ang hirap talagang maging babae. Parehong importante ang mga organs na yun para sa pagpapalaganap ng lahi ng mga tao, pero sila pa ang madalas na tamaan ng sakit. Pag minalas-malas ka pa, 6 feet under ang bagsak mo. Kaya sa mga mare ko, doble ingat. Alagaan ang sarili. Kung sexually active ka, magpa-pap smear every 2-3 years o depende na rin sa advice ng doktor mo. Sa mga pare ko naman na may babae sa buhay, payong kapatid lang din na ingatan sila at ipaalala ang pap smear. Remember na hindi lang para sa mga may-asawa o anak ang pap smear kung di para sa lahat ng babae na sexually active kahit bata pa man. Prevention is better than cure. Mahirap nang magsisi sa huli.

Entry filed under: Uncategorized. Tags: .

Wanted: Happiness if i were a boy…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

November 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Brewed just for you...

Tamang kape…

Who brews with me:

watch dogs ps3 on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,216 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: