Archive for December, 2008
Tuloy Pa Rin Ang Pasko
Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang indak ng mga bombilya
Kikindat-kindat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang iyong mga mata.
~ Excerpt from “Kumukutikutitap” of Joey Albert
Ilang tulog na lang at Pasko na. Brr! Damang-dama ko na ang malamig na simoy ng hangin na nanunuot hanggang laman. Halos mamaluktot na rin ako sa pagtulog kahit pa balut na balot na ‘ko ng makapal na kumot. Sa di kalayua’y iba’t ibang boses naman ng mga nangangaroling ang madalas kong marinig. Nakakatuwa na kahit ang iba’y sintunado, sige pa rin sila sa pagbirit ng kanta. Kahit pa paulit-ulit na lang ang kanta at “Patawad po,” ang kasunod na hirit ng mga kuripot natatapatan.
Minsan Isang Panahon
Habang nag-oorganize ng mga dating gamit, naispatan ko ang dating sinulat ko noong adviser pa ko ng P.I.P.O.L. Nakatago pa rin pala ‘yun pagkalipas ng halos 12 taon na rin. Habang binabasa ko di ko mapigilang mapangiti. Ginawa ko kasi ‘yun para sa dating mga opismate na sunud-sunod na nagpakasal. Nakakatuwa na nagawa kong isulat ‘yun sa panahong gulo din naman ang utak ko. Pakiramdam ko tuloy naging pretentious writer ako. Gayunpaman, ibabahagi ko na rin sa inyo para masabi ko namang minsan isang panahon, naikuwento ko ito sa inyo. Kayo na ang bahalang kumilatis.
Bente-singko
Dumalo ako kagabi sa isang konsiyerto na binuo ng dating sinalihan kong choir sa lugar ng Tondo. Tulad ng isang batang Tundo, naging excited ako na balikan ang aking pinagmulan pati na rin ang mga bagay na naging bahagi ng buhay ko doon. Kasama na nga roon ang grupo na minsa’y pinagbuhusan ko ng atensyon at oras. Alam ko sa sarili ko na hindi naman kagandahan ang boses ko. Pero nang mapabilang ako sa kanila, bigla akong nagkaroon ng unting yabang sa sarili. Kasi nama’y isa ang grupo namin sa pambato ng aming simbahan pagdating sa mga choir competitions. At isang karangalan na muling ma-witness ang 25th anniversary special nila. Imaginin mo ‘yun? Ganun na pala sila katagal. Bente-singko.
Crossroad
Minsan dumarating sa buhay mo ‘yung mga pagkakataon na naguguluhan ka at nagda-dalawang isip kung tama ba o mali yung ginawa mong desisyon. Gusto mong bawiin pero huli na, nagbitiw ka na ng salita; nagdesisyon ka na. Maiiwan ka sa sitwasyon na alam mong ikaw ang maiipit at dehado. Pero wala kang choice kasi dalawa lang naman ang kalalabasan ng susunod mong aksyon; (1) babawi ka para maituwid mo ang lahat, pero may siguradong masasaktan at matatapakan o (2) papanindigan mo ang desisyon mo at mag-suffer sa magiging consequence nito. Alin man sa dalawa ang piliin mo, alam mong hindi ka magiging masaya.
Tuliro
This part of my life is called… TULIRO.
*****
Linggo. Alas-nueve ng umaga.
Nagtext ‘yung hipag ko. Pinaringgan daw siya ng isa ko pang hipag. Ang sabi, bakit daw siya (hipag 1) andun? Akala daw ba ano? Ano’ng ibig sabihin ng “ano”?
“Pa’no ba ang pagkakasabi?“, tanong ko.
“O bakit ka nandito? ‘Kala ko ba ano?“, ang sabi daw ng isa ko pang hipag. Walang ibang tao dun kungdi siya (hipag 1) at ang ‘yung mag-asawa (kapatid ko at hipag 2). Kaya alam ni hipag 1 na siya ang pinariringgan ni hipag 2. Just a short background, mayroong cold war ang (mapagpatol na) mga kapatid kong lalaki at ang mga kumander nila.
Maya-maya nagtext ang tatay ko, “Wag mong tawagan si (hipag 2). Nagkamali lang ng pagkaintindi si (hipag 1).“
Nagtext ulit si hipag 1. Lumalabas daw ngayon na siya ang sinungaling.
Saan ako lulugar?
Tuliro.
*****
Balik Pinas
Sa wakas. Matapos ang ilang araw na lakaran simula ng dumating ako, nagkaroon din ako ng chance na makapagbukas ng kompyuter. Ilang araw ko din hindi nadaan ang WordPress at na-miss ko naman talaga ‘to. Kating-kati na ang mga daliri ko sa pagtipa at punung-puno na ng mga rubbish kuwento ang utak ko.
Uumpisahan ko noong araw na umalis ako ng Singapore.
Tamang kape o excited?
Pucha! Alas-dos na ng umaga pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Daig ko pang tumira ng shabu nito ah. Dalawang bagay lang naman to eh. (1) Dahil sa tinira kong cough syrup Kopi C kanina (tawag sa coffee with cream dito sa Singapore) o (2) dahil excited na kong umuwi ng Pinas mamaya. Sa disposisyon ko ngayon, mas malaki ang tsansa na yung ikalawa ang sagot.
Wohoo! Uuwi na ulit ako ng Pinas! Makikita at makakasama ko na naman ang mga kids ko. Hanep ang feeling. Mixed emotions! Ganito rin siguro ang nararamdaman ng iba pa nating mga kababayan na nagtatrabaho o nakatira sa ibang bansa noh. Kahit alam nila na sangkaterbang gastos na naman ang daratnan, excited pa rin umuwi. Masarap pa rin talaga ang bumalik sa pinagmulan. Lalo na ngayong Pasko. Iba pa rin ang simoy ng hanging Pasko sa Pinas. Walang katulad.
Apat na oras na lang at mag-aalarm na ang cell phone ko. Amfotek andito pa rin ako?!? Patay na naman ako mamaya nito. Malamang na obvious na naman ang tea bags ko sa mata. Kailangan nang makatulog at mag-gain ng lakas dahil malamang pagdating ko ng Pinas e sagaran na naman ang kuwentuhan namin ng mga bata. Hanggang dito na lang muna at saka na tayo maghuntahan ulit.
MANILA, HERE I COME!!!
P.S.
Feeling ko, may kinalaman din ‘yung kape kaya gising pa ko ngayon. Feeling ko lang ha….






Who brews with me: