Tamang kape o excited?
Pucha! Alas-dos na ng umaga pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Daig ko pang tumira ng shabu nito ah. Dalawang bagay lang naman to eh. (1) Dahil sa tinira kong cough syrup Kopi C kanina (tawag sa coffee with cream dito sa Singapore) o (2) dahil excited na kong umuwi ng Pinas mamaya. Sa disposisyon ko ngayon, mas malaki ang tsansa na yung ikalawa ang sagot.
Wohoo! Uuwi na ulit ako ng Pinas! Makikita at makakasama ko na naman ang mga kids ko. Hanep ang feeling. Mixed emotions! Ganito rin siguro ang nararamdaman ng iba pa nating mga kababayan na nagtatrabaho o nakatira sa ibang bansa noh. Kahit alam nila na sangkaterbang gastos na naman ang daratnan, excited pa rin umuwi. Masarap pa rin talaga ang bumalik sa pinagmulan. Lalo na ngayong Pasko. Iba pa rin ang simoy ng hanging Pasko sa Pinas. Walang katulad.
Apat na oras na lang at mag-aalarm na ang cell phone ko. Amfotek andito pa rin ako?!? Patay na naman ako mamaya nito. Malamang na obvious na naman ang tea bags ko sa mata. Kailangan nang makatulog at mag-gain ng lakas dahil malamang pagdating ko ng Pinas e sagaran na naman ang kuwentuhan namin ng mga bata. Hanggang dito na lang muna at saka na tayo maghuntahan ulit.
MANILA, HERE I COME!!!
P.S.
Feeling ko, may kinalaman din ‘yung kape kaya gising pa ko ngayon. Feeling ko lang ha….
if i were a boy…
Nasa kasarapan ako sa paghigop ng mainit kong kape nang bigla kong marinig mula sa iTunes ang bagong kanta ni Beyoncé (o malamang luma na at nahuli na naman ako sa balita). IF I WERE A BOY. Sa Tagalog, “KUNG NAGING LALAKI AKO”. Ano ba pumasok sa kukote ng composer ni Beyoncé at ito ang naisipang i-compose? HIndi kaya broken-hearted siya at ang kanta ay para sa insensitive niyang dyowa? Pero ok din ang kanta ah. Nakakatuwa.
Ingat, ingat…
Ang hirap talagang maging babae. Dumadaan na sa sangkatutak na physical at emotional growth, tapos sandamakmak na sakit pa rin ang posibleng makuha. Andyan ang sakit sa matris, obaryo, breast, mayoma, na iilan lang sa common na sakit sa babae. Minsan nag-iingat na nga, pero tinatamaan pa rin.
Galing lang ako sa OB-Gyn ko nung Martes. Follow-up check-up ko mula ng sumailalim ako sa puspusang pagsusuri (thorough examination—lalim… hahaha!) noong July to check kung may bukol pa rin ako sa matris o cervix. Noong nasa ‘Pinas pa kasi ako, nakitaan na ako ng cyst sa cervix ng dati kong OB. Pinainom ng gamot para malaman kung mawawala. Nung sumunod na check-up, nagpapansin ang ovary ko. Nainggit yata kay matris kaya ininvite si cyst2 pero physiological lang naman daw sabi ng doktor. Ibig sabihin, epekto lang marahil ng hormonal imbalance at mawawala rin. Magkakape lang at aalis din. Pero dalawa pa rin sila dahil andun pa rin si cyst1 sa cervix ko. Nahiyang yata sa gamot kaya tinamad na umalis. Mukhang nagpatanggal pa ng hilo. Gusto kong mag-panic pero hindi naman mukhang kabado ang OB ko kaya nakalma na din ako.
Wanted: Happiness
Those who can laugh without cause have either found the true meaning of happiness or have gone stark raving mad.
~ Norm Papernick
Madalas sabihin ng mga kaibigan at kakilala ko na masayahin daw ako. Siguro daw masaya ang childhood ko. Bagay na bagay daw sa ‘kin ‘yung nicknames ko – Enjoy at Happie. Binigyan ako ng alyas na “Happie” ng mga dati kong kaopisina. Hango sa dating e-mail ID ko na derived sa pangalan ng isang babae na nakilala ko noong pareho pa kaming bata (magulo ba?). Happy ang pangalan niya, ginawan ko lang ng variation kaya naging “Happie”. Natuwa ako dahil feeling ko soulmate kami kaya di ko na siya nakalimutan since.
Anong Paki Mo?
“So what?“
“Anong paki ko?“
“Ma at Pa!“
Pamilyar ka ba sa mga linyang ‘yun? Tanda mo ba kung ilang beses mo na silang nagamit sa pakikipag-usap mo sa tao dala ng inis mo o dahil sa wala lang, feel mo lang sabihin? Bakit ba may mga taong insensitive? Wala ba talagang silang pakiramdam or nagpa-power trip lang? Gusto ko man isipin na baka dala lang ng kasalukuyang estado (bad hair day, monthly period, di nakapagkape, etc…) kaya kahit si Shakespear e di kayang i-express ang mood ng mga taong ito na walang pakialam sa feelings ng iba. *kamot-ulo*
Oops, meron pa…
Tattoo, No One, Where Is The Love by Boyce Avenue
Narinig ko ang kanta na ‘to from My Only Hope, an ABS-CBN show. Boses pa lang, sigurado na ako kung sino ang kumanta, Boyce Avenue. Fan ako ng indie group na Boyce Avenue. Matter of fact, madami-dami na rin akong na-download na kanta nila (opo, pirata ako… sshh!). At isa ito sa best cover ever ng grupo. Masarap ka-jammin’ habang nagbabasa ng paborito mong white book at may iced latté sa tabi.
Facing The Giants
Zanessa
Nag-request si Jan ng bagong image background para sa kanyang Friendster. Mega fan ‘yun ng HSM lead stars na sina Zac Efron at Vanessa Hudgens. Naalala ko pa noong umiyak siya dahil may kumalat na mga nude pictures ni Vanessa sa internet. Galit na galit siya kay Zac dahil feeling niya ‘yung guy ang nagkalat ng mga photos because Vanessa was breaking up with him.
Hay, kakaiba talaga ang thinking ng mga bata ngayon. Hirap sakyan.
Dahil hindi na naman ako tatantanan ng batang ‘yun kaya ayan na, ginawa ko na para wala na lang usapan. Hindi naman ako magaling sa Photoshop. May konting nalalaman lang. Hindi ko pa kayang i-retoke ang katawan ko para palakihin ang boobs at gawing seksi. Kung kasing-simple lang ng ginawa ko sa itaas at para sa dyunakis ko lang, eh keri na. Trip niya lang talaga pahirapan ako.
“Magustuhan niya kaya ‘yan?“
Siguro naman.
“Hindi kaya parang PG-18 dating ng profile niya?“
Hmm, hindi naman siguro.
‘Yaan mo na nga.
Poor Clinton… Lucky Obama
I received an e-mail yesterday from an old classmate containing a video about Hill missing the kiss from Clinton, and kissed Obama instead.
Okray! Ha-ha-ha! Cardiac ang lolo Clinton dahil kitang-kita sa cam ang pag-snob sa kanya ni Hill. So mega hanap ako ng link at sa kabutihang-palad eh eto na ang video for your viewing.
Watch and ENJOY!
Bad trip!
Bad trip!!!
May ipis sa kuwarto! Half-dead!
Wala ‘yun kanina bago ako kumain.
Araw-araw naman akong naglilinis ng kuwarto namin.
Putek! Pati bahay ako taga-linis noh.
Shete! San nanggaling ‘yun?
Wala ‘yun kanina.
Kahit sa’n ako tumingin, wala naman akong makitang traces na may ipis sa kuwarto namin.
Bad trip talaga!
Allergic pa naman ako ‘dun.
AT BAWAL ANG IPIS DITO SA SINGAPORE!!!
Naglilinis ng kuwarto kanina ‘yung isa kong housemate. Once a week lang sila kung maglinis dahil araw-araw pumapasok sa trabaho.
Hindi kaya…
Erase! Erase! Erase!
Bad trip talaga…tsk!









Who brews with me: