Call Center bloopers (Pinoy Version)

October 16, 2008 at 6:02 pm Leave a comment

Sisimulan ko ang blog ko dito sa WP sa naging ekspirensya ko sa call center. Bago pa man magkaroon ng American or English version ng call center bloopers, mayroon na itong Pinoy version.
Natatandaan ko pa ‘nung mag-trabaho ako sa isang telecommunications company bilang Customer Service Representative noong 1997. Ni-launch ang bagong produkto ng kompanya na ‘yun na isa na ngayon sa may widest coverage sa Pilipinas. Isa ako sa mga friendly neighborhood na isang tawag lang ay sasagot na sa mga tanong at complaints ng mga subscribers ng produktong ang endorser ay ang mamang nakasalamin na may hawak na baseball bat. (May clue ka na?)
Agent Enjoy: Thank you for calling _____________. My name is Enjoy. How may I help you?
Subscriber: Hello Customer Service! Ano nga pangalan mo?
AE: Enjoy po, sir. Can I have your name?
Subs: Ah, Enjoy. Nag-eenjoy ka ba dyan? Ako naman si Happy. (tatawa)
AE: Yes sir. Ano po ba ang problema?
Subs: Walang signal ang celfone ko. Hindi ko tuloy magamit.
AE: Sir, subukan niyo pong lumabas ng bahay para makakuha kayo ng signal. Minsan po kasi may mga dead spots talaga sa loob ng bahay. Or try niyo po sa mataas na lugar like second floor.
Subs: Ginawa ko na yun. Lumabas na ko ng bahay. Andito na nga ako sa bubong.
*Ay talaga lang? Ingat sir. Wag kang titingin sa baba at baka malula ka.
**********

Subs: Hello (telecoms company)?
AE: Yes, sir. You’ve reached Customer Service. How may I help you?
Subs: Bakit walang signal ang phone ko? (Noong mga panahon na ‘yun, karaniwan na ang “no signal” calls.)
AE: Sir, try niyo lumabas ng bahay when making a call. Baka mahina po kasi ang signal sa loob ng bahay niyo.
Subs: Ginawa ko na ganun pa rin! (irate na)
CCAE: Minsan po kasi pag nasa area tayo na maraming obstruction, tulad ng mga matataas na buildings o mga puno, may tendency na mahina yung signal na nakukuha ng phone (pinipilit kong isalin ang mga salita ito in layman’s term.)
Subs: Wala. Walang construction. Saka mataas ang lugar namin malapit lang sa cellsite. Katabi ko ngayon yung cellsite.
*Ows talaga sir?! Piktsuran mo nga.

**********

Subs: Hello! Bakit kinakain ng celfone ko yung card ko? Kaka-load ko lang ah!
*Hmm, hindi kaya gutom ang celfone mo sir? Bakit hindi mo subukan pakain ng baterya?

**********

Subs: Bakit ganun? Wala na kaagad akong load eh kapapasok ko lang ng P100.00.
CCAE: Ano po cell number niyo, sir? Check po natin. (Ibibigay ng subs ang number) Sir, I’m sorry pero expired na po ‘yung balance niyo.
Subs: Pano’ng expired eh kalalagay ko nga lang niyan?!
CCAE: Sir, according to our records, March 15 po kayo nag-load. July na po ngayon.
Subs: O July. Bakit 3 months na ba ‘yun? (mahinang ire-recite ang months of the year) toot… toot… toot…. (nag-hang up ang subs)
*He-he-he! Pahiya…

**********

Subs: May complain ako! (Aba irate na agad?)
AE: Kunin ko po muna ang pangalan nila sir at celfone number.
Subs: Telephone number ko?! Bakit mo kukunin telephone number ko ha?!
*Si sir, paranoid… saka celfone number sir, hindi telephone number.

**********

Subs: Bakit ganito yung cellphone ko? Kabibili ko lang ayaw na mag-charge.
AE: Kelan niyo po binili sir? Pwede po kasing palitan kapag may factory defect.
Subs: Kahapon lang. Wala akong matawagan kundi kayo lang. May problema yata ito eh.
AE: Sir, nakapag-load na po ba kayo ng card?
Subs: Ay, nilo-loadan ba ito? ‘Kala ko pwede na agad akong tumawag e.
*Maraming namamatay sa maling akala sir…

**********

AE: Good evening, Customer Service. This is Enjoy. How may I help you?
Subs: Pwede bang makipag-phone sex?
AE: Thank you for calling Customer Service. Good night!
*Bastos ka sir! ‘Pag nakita kita may kotong ka sa kin. Promise!!!

**********

Ilan lang ang mga ito sa personal kong experience sa call center. Marami pang iba na talaga namang nakakasira ng kukote. Samahan mo pa ng ilang mga agents na nakikisawsaw din sa kalokohan ng mga subscribers.

Nariyan pa ang mga banta na pasasabugin ang building namin pati ang mga cellsites, kikidnapin ang mga agents at ang pagde-declare ng war against our company. Saan ka pa di ba? Ganun ka-sikat ‘yung company namin. Pero kahit ganoon, naging maganda pa rin ang pagtigil ko sa kumpanya na iyon na tumagal din ng halos 3 years. Masaya, exciting at puno ng bloopers.

Pinoy na pinoy ang dating!

Entry filed under: Uncategorized. Tags: .

BO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

October 2008
M T W T F S S
    Nov »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: