A Toilet Story – One Boring Sunday

November 10, 2008 at 5:00 pm Leave a comment

Linggo.
Dahil alam kong mababagot ako sa pag-alis ng mister ko, nag-decide akong mamasyal kasama ang ilan sa mga dati niyang kasamahan sa trabaho. Dalawang babae na naging malapit na rin naman sa akin, at isang lalaki na di ko natandaan ‘yung pangalan. Dahil na rin sa maulan, naisipan na lang namin na pumunta sa mall.
Suntec City. Pinakamalaki (ayon sa mga Singaporean pero sa totoo lang, wala ‘tong binatbat sa SM The Block. partida ha, the block pa lang ‘yun) at isa sa mga sikat na mall dito sa SG . Ang limang tower ng Suntec ay binubuo ng mga private offices. Isa sa mga tower na ‘yun andun ang opisina ng mister ko kaya gustuhin ko man siyang ayain dun ‘pag weekends para mamasyal, e talaga namang good luck sa akin. Thanks to his friends at doon ako dinala.

Pagkatapos ng mahabang pag-iikot, ilang minutong paghinto sa book sale at pagbukas sa gitnang bahagi ng ilan sa mga libro na hindi naman namin binili, pagsubok sa ilang machines na pampaalis daw ng taba (nilaspag lang ang katawan namin ng isang machine na sinubukan namin kung saan umupo kami sa isang twisting chair na parang nangangabayo. Hindi ko na tinapos ‘yung demo.), nag-decide kaming umuwi na. Hapon na rin naman at medyo nakagala na rin kami. Bago tuluyan umuwi, nag-aya sa toilet ang isa sa berks. Habang nakapila, may isang grupo ng mga graceful middle-aged filipina (naks! bigat ‘nun ha!) ang pumasok kasunod ko. Mukhang mga turista. Pagbungad ko pa lang sa unang ale, parang pamilyar na kagaad siya, pati ang boses niya. Lalong tumibay ang paniniwala kong kilala ko nga siya nang makita kong kasama niya ang nanay ng dati kong classmate. Pagkatapos kong pagbigyan ang tawag ng kalikasan, nakita ko na naman siya sa sink na naghuhugas ng kamay. Hindi na ko nakatiis…

Ako: Teacher po ba kayo dati?
Ale: (surprised) Oo. (Ngiting-ngiti siya. Siguro akala niya fortune teller ako) Bakit? Estudyante ba kita dati?
Ako: Sa ________ (pangalan ng school) po?
Ale: (mas lalong na-surprise; mukha pa nga yatang maiiyak sa tuwa) Oo… oo!
Ako: Opo. Student niyo po ako. ‘Nung kinder. (Pilit ko ng iniisip kung ano surname niya. Tanda ko ang mukha niya, pero may kalabuan na ang pangalan. Kinder pa ko ‘nun, haller! Basta ang alam ko —ñas ang dulo nun. Fariñas ba?)
Ale: Ay talaga?! Kita mo nga naman dito pa tayo nagkita. Buti natatandaan mo pa ko? Ano nga pangalan mo? (Binigay ko ang buo kong pangalan) Kaya naman pala ang gaan ng loob ko agad s’yo, estudyante pala kita. Kaya pala unang kita ko pa lang s’yo sabi ko parang pamilyar ka na sa ‘kin. Sabi ko,parang kamukha ito ni Anna ah..

Toinks!

Natutuwa na sana ako sa muli naming pagkikita. Pero di ko akalain na mas matatawa pala ako. Sa isip ko lang, talaga bang namukhaan niya din ako? Sabi niya, 18 years na raw siyang wala sa dati naming school. 18 years na ngayon mula ng magtapos ako ng high school; kinder ng huli kaming magkita. Ibig sabihin, 25 years na kaming hindi nagkikita. (Sige, simulan mo nang kuwentahin ‘yung age ko ngayon. Pag nahulaan mo, may premyo kang Choc-nut.) Natandaan niya pa ‘ko? Mas matindi pala ang memorya ni ma’am sa ‘kin. Mukhang madalas uminom ng Prime. Ibig sabihin, walang nabago sa mukha ko mula noong kinder hanggang ngayon. Kung bata ang itsura ko noon, hanggang ngayon bata pa rin. Feeling ko tuloy fetus pa lang ako ng pumasok ng kinder at kinalkula niya ang magiging itsura ko after *bleep* years. He-he-he!

At si ma’am? Wala rin naman nabago sa itsura niya. Maganda ang naging epekto ng pagtira niya sa US. Pinabata ng klima ng US ang itsura. At talagang natatandaan ko pa siya dahil madalas niya kong kurutin noon. Kung alam lang niya how I hated her. Madalas niyang ipatawag ang nanay ko dahil madaldal daw ako. Hindi niya pa siguro alam ang difference between madaldal at bibo (‘wag na kayong umangal…).

Nagtapos sa palitan ng mga phone numbers ang pagkikita namin. Hindi ko alam kung may plano siyang dalawin ako sa next visit niya dito sa Singapore kaya pati address ko eh hiningi din niya. Ang nakakatuwa pa, dalawin ko daw siya ‘pag nagawi ako sa California. Isip ko lang, sana nga magawi ako ‘dun.

Linggo. Boring na araw na naging exciting at amusing. Talaga nga naman na maliit ang mundo. Ang mga di inaasahan, biglang lumilitaw. Walang pinipiling lugar… kahit pa sa toilet.

Entry filed under: Uncategorized. Tags: , , .

In My Solitude… Iyak ni Bunso

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

November 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: