Asar-talo

November 17, 2008 at 10:18 pm Leave a comment

Dala ng matinding pagka-inip sa bahay last Saturday, naisipan kong umalis na lang at bilhin ang Christmas gift na di ko pa nabibili para sa ‘king kapatid na si Alba at pinsan na si Ate Mher. Bag. (Uulitin ko… para sa kanila, hindi para sa ‘kin). Sa Bugis ako nagpunta. May malaking tiangge dun na talaga naman mura ang bilihin. Sabihin na nating counterpart ‘yun ng 168 at Greenhills sa Pinas.

Medyo may kalayuan din ang lugar. Almost 1 hour na biyahe ng train. Muli ko na naman naamoy ang natural na pabango ng mga lokal at *anaps dito. Kakaiba talaga. Kumakapit.

*Anaps ang tawag ng ilang Pinoy sa mga Indian dito. Medyo aware na kasi ang mga anaps na “pana” ang bansag ng Pinoy sa kanila kaya ni-reverse na lang ng mga Pinoy para di daw obvious. Utak di ba?

Mula sa MRT station, naglakad ako ng mga 10 metro papunta sa lugar kung saan andun ang mga tiangge. Paglabas ko pa lang ng station, isang matandang lalaki na may hawak na microphone ang agad bumungad sa ‘kin. Pasayaw-sayaw, pakanta-kanta sa wikang Mandarin; sa tabi niya ay isang bag na may lamang barya, at ilang S$2. Naisip ko, buti pa si Manong pakanta-kanta lang kumikita na. Mukhang mas malaki pa ang per day niya kesa kay Emengard ah.

Makalipas pa ang ilang minuto narating ko din ang destinasyon ko. Sa wakas. Andaming tao. Andaming stalls. Nakakapaglaway ang mga paninda kaya lang cost-cutting ako at kailangan magtipid kaya dapat bilhin ko muna ang talagang pakay ko bago ang iba.

Lakad-lakad. Ang goal ko eh makabili ng bag na worth S$20/pc (P600 ‘yun sa atin na kung tutuusin eh mahal pa rin para sa isang pangregalo ‘tas unbranded pa). ‘Nak ng tokwa! Puro mahigit pa rin sa bente dolyar. May ganun’ price ba talaga? Nakalagpas na ko sa halera ng mga murang damit at cellphone accessories pero di ko pa rin nakikita ang pakay ko. Nahagip ng mata ko ang parang maliit na Chinatown sa kabilang kalye. Patawid na sana ako papunta ‘dun ng mapansin ng mata ako ang isang stall sa bangketa na may tumataginting na BAGS FOR SALE! S$10!.

salesign

OH EM GEE!

Meron nga! At ang daming pwedeng pagpilian. Keri na ang halukay drama dahil pwedeng nasa ilalim din ang magagandang design. May ilang mga lokal na din akong naabutan dun. Ayaw pa nga tantanan ng tingin ng 2 intsik na babae ang isang bag na hawak ko. Naghihintay sigurong bitawan ko. Nagulat pa ng malamang bibilhin ko ‘yung tatlong bag na hawak ko. Kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mukha nila na makuha ang bag sa akin.

Babae 1: (translated in Tagalog) Gusto ko ang bag na ‘yun. Ang ganda ng kulay. Bagay sa ipit ko.
Babae 2: Oo nga. Hablutin natin sa kanya.
Babae 1: Linlangin natin siya. Kunyari matatapilok ako ‘tas bibitiwan niya ang bag at tutulungan ako. Tpos bigla mong kunin sabay bayad. Wala na siyang magagawa. Har-har-har!
Babae 2: Good idea! Sige…

Poofff!

Nek-nek niyo! Erase ang mga idea niyo. Buti na lang may translation ang mga captions niyo at nabasa ko agad. Sori na lang kayo, nauna ako eh. Better luck next time girls. He-he-he!

bags

At umuwing luhaan ang dalawang intsik na babae…

Hay… ang sarap mamili. Tatlong bags din ang nabili ko sa dapat ay dalawa lang. May sobra pa kong S$10. O di ba? Naka-save ako ng P300. Plano kong balikan ulit ang stall na ‘yun. Ala lang. Baka makita ko ulit ‘yung dalawang babae. Makapang-asar ulit.

Entry filed under: Uncategorized. Tags: , , .

Homemade Mocha Krisis

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

November 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: