Krisis

November 18, 2008 at 1:44 am Leave a comment

Malawak na ang naging epekto ng krisis sa Amerika. Noong una hindi ko ‘to gaanong pinansin. Sa mayamang bansa tulad ng Singapore, ang akala ko malabong mangyari na maapektuhan ito. Muntik na kong makuryente sa mali kong akala.

Noong nakaraang buwan, isang e-mail ang dumating kay Emengard sampu ng ilang pang kasamahan. Ang unang mensahe ay cost-cutting. Kasunod ang retrenchment. Hindi alam kung sinu-sino ang posibleng mawala.

recession


The company is still solid.

…iyon ang panghuling mensahe.

12 Nov 2008, Mierkoles.

Isang text message ang natanggap ko mula kay Emengard na kasalukuyang nasa Pinas at nako-conduct ng training para sa kompanyang solido. Nagsimula na daw ang tanggalan. Marami ang nawalan ng trabaho kasama na ang isang kaibigan namin. Ngayon linggong ito ire-reveal ang ikalawang batch.

Abut-abot na ang dasal ko…

Wag sana mapasama si Emengard.

fired

Bagama’t ang mga naalisan ng trabaho ay inirekomenda sa isang recruitment agency, matindi pa rin ang naging psychological effect nito sa mga apektado. Ang kasiguruhan na may nakahain sa lamesa lalo na’t sa nalalapit na Kapaskuhan ay isang malaking alalahanin. Naging in-demand tuloy ngayon ang mga financial consultants dito.

Nagpunta dito sa bahay kahapon si Lorna, ang isa sa mga kaibigang Pinoy ni Emengard na apektado ng lay off. Kumopya ng ilang mga pinirata downloaded na pelikula. Nakuwento niya na nagkausap sila ng mama niya nung Friday sa phone. Umiiyak dahil naaalala siya.

Lorna: Bakit ka umiiyak ma?
Mama: Nakita ko ‘yung picture mo. Bigla kitang naalala. Ok ka lang ba sa trabaho mo?
Lorna: Oo naman ma.
Mama: Nasaan ka? Nasa opisina ka na ba?
Lorna: Ha? Nasa bahay po. Off ko ngayon.

Para sa mga OFW na apektado ng krisis, mas pinili nilang sarilinin at i-resolba ang kasalukuyang sitwasyon para sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Pinas.

Isa pang apektado ng krisis ang housemate kong si Deo. Inalisan na sila ng overtime. Dito lang siya kumukuha ng pandagdag sa maliit niyang suweldo. Ngayon, biktima na rin ng cost-cutting ang kanyang pamilya.

Deo: Nag-iisip nga akong mag-parttime job e. Kahit waiter lang.
Enjoy: Pa’no mo gagawin ‘yun eh irregular ang oras mo?
Deo: ‘Yun nga eh. Basta kung may makikita na pwedeng sa oras ko, pwede na ‘yun.
Enjoy: Wala ka ng magiging pahinga nun.
Deo: Ok lang. Kulang kasi talaga e.

down_graph-blogthumbnail

Sana matapos na ang krisis. Hindi lang sa Singapore, pati na rin sa ibang bansa. Sana pwede na lang baligtarin ang graph sa itaas para tapos na ang problema. Para matapos na ang paghihirap ng kalooban ng mga kababayan nating OFW at maging ng iba pang nanganganib na mawalan ng trabaho. Sana.

Fingers-crossed.

Wishful thinking.

Entry filed under: Uncategorized. Tags: , , .

Asar-talo Bad trip!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

November 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: