Anong Paki Mo?

November 21, 2008 at 2:49 pm 4 comments

So what?

Anong paki ko?

Ma at Pa!

Pamilyar ka ba sa mga linyang ‘yun? Tanda mo ba kung ilang beses mo na silang nagamit sa pakikipag-usap mo sa tao dala ng inis mo o dahil sa wala lang, feel mo lang sabihin? Bakit ba may mga taong insensitive? Wala ba talagang silang pakiramdam or nagpa-power trip lang? Gusto ko man isipin na baka dala lang ng kasalukuyang estado (bad hair day, monthly period, di nakapagkape, etc…) kaya kahit si Shakespear e di kayang i-express ang mood ng mga taong ito na walang pakialam sa feelings ng iba. *kamot-ulo*

Naalala ko ang chat namin ng kaibigan at dating kasamahan ko sa trabaho sa Pinas. Bad trip siya sa dalawa pa niyang kasama. Kilala ko yung mga tinutukoy niya dahil galing ako sa department ding yun. Kasamahan ko silang lahat. Hindi na bago sa kin yung story niya, kung paanong walang pakialam ang bawat isa sa kanilang trabaho, at ang procrastination na nabubuo sa department na ‘yun. Kanya-kanyang alibi, kanya-kanyang style ng pandurugas makalusot lang sa trabaho. At kung sino pa ang inaakalang mong mature na sa paghawak ng responsibilad, sila pa ang pasimuno sa mga kalokohan. E ano nga naman kung hirap at apektado ka? Kung naiirita ka, magloko ka din. Hindi nila responsibilidad na alamin pa ang nararamdaman mo dahil sarili lang nilang pakiramdam e hindi na nila mabigyan ng pansin. Sana nga ganun lang yun kadali. Sana nga may power ka din para i-shutdown ang fuse box ng emosyon mo na isang boltahe na lang ay sasabog na.

Maraming beses na din akong naging biktima ng kawalan ng pakiramdam ng mga tao.

Napag-tripang ipahiram ang paborito kong “Notting Hill” na cd at ng maisoli e puro gasgas na. Wala akong narinig na “sorry”.

Nalait sa harap ng girlfriends at ginawang laughing stuff. (Sana man lang hinintay na lang akong umalis ng mga bruhildang ‘yun.)

Iniwan ng ex sa gitna ng mall sa harap ng maraming tao matapos ang sagutan na nauwi sa pag-iyak ko. (Pwede naman ihatid na lang ako sa sakayan ng bus at pasakayin na lang muna.)

Pasahan ng mga trabahong hindi naman sa ‘kin in-assign pero dahil lang sa tinatamad mag-trabaho ang mga kasama ko, sa ‘kin na lang ibinigay.

At marami pang iba.

Hindi ako naniniwalang ang pagiging insensitibo ng isang tao ay naturalidad na hindi na kayang baguhin. Katulad na rin ng kasabihang, “walang matigas na tinapay sa mainit na kape”, may mga bagay, tulad ng ugali na kung bibigyan ng pagkakataon ay magagawang baguhin ng unti-unti. Kanya-kanya din sigurong pagtolerate ‘yan. Kung trip mo na nasa iyo lagi ang limelight/attention, eh di sige palait ka na lang. Wag ka lang magrereklamo. Kung ayaw mo ng tinatambakan ka ng trabahong hindi naman s’yo toka, magsalita ka at umangal. Kung ayaw mo ng binabale-wala o hindi nabibigyan ng halaga ang mga gamit mo, itago mo sa baul at ikadena. Kanya-kanyang strategy lang ‘yan para makaligtas sa pagiging insensitive ng iba. Survival of the fittest. Sa bandang huli, ikaw din naman ang babagsakan ng sisi dahil nagpaka-sensitive ka. Para sa ‘kin, mas mabuti na ‘yun kesa magkaron ng pusong sin-tigas ng bato.

Hindi ako nagmamalinis. Kung naging sensitive ako sa ibang bagay, may mga pagkakataon din naman na naging insensitive din ako. Naniniwala pa rin ako sa balanced life. Pero hangga’t maari, pinipilit ko pa rin na timbangin ang mga aksyon ko. Mahirap masabihan ng “insensitive”. Eh sensitive pa naman ako. Hehehe!

Entry filed under: Uncategorized. Tags: , , , .

Tattoo, No One, Where Is The Love by Boyce Avenue Wanted: Happiness

4 Comments Add your own

  • 1. SuperGulaman  |  November 21, 2008 at 3:50 pm

    masasabi ko na naging guilty din ako sa pagiging insensitive at naging biktima din nito..pero minsan kailangan yun…kailangang maging matigas, kailangang maging manhid..ganun ang buhay..kung hindi mo gagawin yun kakainin ka ng buong-buo ng mga pagkakataon…

    pra sa akin…hindi na mahalaga kung sensitive or insensitive ako…basta ang mahalaga…gagawin ko yun ng may angkop na dahilan…🙂

    Reply
  • 2. anotherfrustratedwriter  |  November 21, 2008 at 7:43 pm

    tama ka dyan, bro. kaya siguro madalas akong malamon ng buo dahil sobrang nipis ng balat ko, mababaw ang emosyon. pinag-aaralan ko pang maging matigas pa ng kaunti. nalalamangan nga lang ng pagiging babae ko. hahaha!

    Reply
  • 3. joshmarie  |  November 22, 2008 at 7:49 pm

    guilty ako of both. sensitive ako and at minsan insensitive din.

    Reply
  • 4. anotherfrustratedwriter  |  November 23, 2008 at 10:40 am

    @joshmarie ~ ganun yata talaga ang tao. hindi maiwasan na magkaron ng magkasalungat na personalidad. ok lang kung balance, pero kung mas lamang ang pagiging insensitive mo, patay tayo dyan… hehehe! salamat sa pagdaan joshmarie. daan din ako s’yo minsan🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

November 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: