Wanted: Happiness

November 24, 2008 at 8:02 pm 2 comments

Those who can laugh without cause have either found the true meaning of happiness or have gone stark raving mad.
~ Norm Papernick

Madalas sabihin ng mga kaibigan at kakilala ko na masayahin daw ako. Siguro daw masaya ang childhood ko. Bagay na bagay daw sa ‘kin ‘yung nicknames ko – Enjoy at Happie. Binigyan ako ng alyas na “Happie” ng mga dati kong kaopisina. Hango sa dating e-mail ID ko na derived sa pangalan ng isang babae na nakilala ko noong pareho pa kaming bata (magulo ba?). Happy ang pangalan niya, ginawan ko lang ng variation kaya naging “Happie”. Natuwa ako dahil feeling ko soulmate kami kaya di ko na siya nakalimutan since.

happyme

Marahil nasabi lang nila ‘yun dahil lagi akong naka-smile, palabati, laging nagpapasaya sa mga araw nila. Minsan pa nga sa mga trainings ko noon, ganun din ang madalas kong makuhang komento. Hindi raw ako boring magsalita. Nagigising sila dahil alive na alive daw ako at laging nakangiti. Ewan ko ba kung bakit aliw na aliw sila kapag nagsimula na ‘kong magsalita. Nagkukuwento lang naman ako at nagbibigay ng mga komento, pero daig ko pa ang nagta-tumbling at kumakain ng buhay na manok sa harapan kung makahagalpak sila sa tawa. Gusto ko na nga isipin na better version ako ng clown. Sinubukan ko na rin silipin ang sarili ko sa salamin pero ‘yung mukha ko pa rin ang nakita ko — maganda at kaakit-akit (magiging clown ang kokontra).

You know what would make a good story? Something about a clown who make people happy, but inside he’s real sad. Also, he has severe diarrhea.
~ Jack Handy

Pucha, Hap! Tama na! Sakit na ng panga at tiyan ko ha…“, madalas na yan ang linya ng isang friend ko. ‘Pag may problema siya, tatawag lang sa ‘kin ‘yun para pasayahin ko ang araw niya. ‘Pag masaya na siya, saka magpapaalam. Maiiwan akong nakangiti dahil mayroon na naman akong isang kaluluwang napasaya, kahit alam kong superficial lang ‘yung saya na nabigay ko sa kanya. Temporary magic lang ang effect na pagkatapos ng ilang minuto eh babalik na naman siya sa realisasyon na malungkot pa rin siya at problemado. At least, sumaya pa rin siya at yun ang importante sa kanya. Sa totoo lang, seryoso naman akong tao. Drama queen nga ako e. Kaya ko rin naman na magpaka-emo at nakakaranas din naman ako ng bad hair day. Naghahanap rin ako minsan ng tao na magpapatawa at magpapasakit ng tyan at panga ko. Kaya lang kalimitan, ako pa rin ang lumalabas na clown ng sarili ko eh. Nagagawa ko pa rin itago ang lungkot sa likod ng nakangiting maskara. Dahil siguro tulad ng isang clown, hindi sila sanay na makita akong malungkot. Hindi yun ang inaasahan nila sa akin.

the_sad_clown_by_damngood

People take different roads seeking fulfillment and happiness. Just because they’re not on your road doesn’t mean they’ve gotten lost.
~ H. Jackson Browne

Aminin man natin o hindi, paminsan-minsan ay naitatanong din natin sa sarili kung masaya ba talaga tayo sa buhay na meron ngayon. Kung tama ba ang mga naging desisyon natin; kung sa desisyon na ‘yun ba tayo mas higit na sasaya. Sabi nga nila, ang buhay ay tulad din daw ng exam na hindi palaging “yes” or “no” at “true” or “false” ang sagot. May multiple choice din ito. Minsan kailangan mong isiping mabuti kung ano ba talaga ang tamang sagot. Mahirap umasa sa intuition o psychic ability. Pumapalpak din ‘yun pag mali ang calculation mo ng mga numero at signs. Kung paiiralin mo naman daw ang puso, hindi ka pa rin dapat lumabas na selfish o nakakatapak ng iba. Dapat matutunan mo pa ring bigyan ng kosiderasyon ang mga tao sa paligid mo at maging sensitibo sa kanilang nararamdaman kung ayaw mong kasuklaman ka ng matindi. Ilang libong beses na rin akong dumaan sa paghahanap ng sarili kong kaligayahan. Naging selfish, insensitive. Nilakbay ang daan kung saan mas mukhang safe. Pero ‘nak ng tokwa! Ako pa rin umuwing talunan at sugatan. Nauwi pa rin ako sa pag-iyak at pagtatanong kung bakit hindi ako naging masaya. Big LOSER.

Kung tutuusin, matter of choice lang naman talaga ang lahat. Kung pipiliin mong maging masaya at maging kuntento sa kung anong meron ka, magiging masaya ka. Logical thinking lang. Pros and cons. Kasi kung ang iisipin mo ay yung mga bagay na wala ka, magiging malungkot ka lang palagi. Magiging bitter ka. Baka nga manisi ka pa ng iba (katulad ng ginawa ko noon) samantalang ikaw naman ang may hawak ng buhay mo at ikaw rin ang pumipili ng sarili mong daan. Hindi sa lahat ng oras ay perfect ang result ng exam kung paanong hindi rin sa lahat ng oras ay nakangiti ang clown. Minsan kailangan muna natin bumagsak sa test o makornihan sa palabas bago marealise na madali lang pala ang maging masaya. Kailangan mo lang pala matutunan ang makuntento sa kung anong meron ka at i-enjoy ang kung ano mang napili mo na.

Happiness is like a butterfly which, when pursued, is always beyond our grasp, but, if you will sit down quietly, may alight upon you.
~ Nathaniel Hawthorne

happiness_by_wint3r88

Entry filed under: Uncategorized. Tags: .

Anong Paki Mo? Ingat, ingat…

2 Comments Add your own

  • 1. dylan dimaubusan  |  November 25, 2008 at 11:19 am

    hmm, nice post!

    It’s true that happiness is a choice..
    I’ts for us to decide or to choose to be happy.

    Reply
  • 2. anotherfrustratedwriter  |  November 26, 2008 at 9:48 am

    korek ka dyan bro! salamat ulit sa pagdaan… hehehe!

    be happy🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

November 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: