if i were a boy…

November 29, 2008 at 1:49 am 3 comments

Nasa kasarapan ako sa paghigop ng mainit kong kape nang bigla kong marinig mula sa iTunes ang bagong kanta ni Beyoncé (o malamang luma na at nahuli na naman ako sa balita). IF I WERE A BOY. Sa Tagalog, “KUNG NAGING LALAKI AKO”. Ano ba pumasok sa kukote ng composer ni Beyoncé at ito ang naisipang i-compose? HIndi kaya broken-hearted siya at ang kanta ay para sa insensitive niyang dyowa? Pero ok din ang kanta ah. Nakakatuwa.

If I were a boy
even just for a day
I’d roll out of bed in the morning
and throw on what I wanted and go

Oo nga naman. ‘Pag lalake ka, di mo na kailangan tumagal ng mahigit isang oras sa salamin para lang makipaghuntahan sa mahiwagang salamin kung sino ang “fairest of them all”. Kahit anong outfit pasado na. Mas rugged, mas macho ang dating. Mas sexy ika nga (hmm, pero dun pa rin ako sa neat tingnan). Di na kailangan ang blow-dry, make-up at kung ano pang anik-anik sa katawan. Wisik-wisik lang, konting mouthwash at wax, keri na. Di tulad ng babae na kumulubot na yata ang balat sa pagkababad sa tubig eh di pa rin maiwan-iwan ang banyo (ouch!). At naka-sampung palit na yata ng damit di pa rin kuntento. Partida, di pa kasama accessories dyan.

If I were a boy
I think I could understand
How it feels to love a girl
I swear I’d be a better man
I’d listen to her
Cause I know how it hurts
When you lose the one you wanted
Cause he’s taking you for granted
And everything you had got destroyed

heart_broken_girl_by_iheartyourbrai

Sa part na to naisip ko na masarap nga sigurong maging lalaki. Isipin mo na lang kung pano kami magsilbi sa mahal namin at gawin halos ang lahat para lang i-please sila. Andyan punasan ng pawis ang likod, ipaalala ang pag-inom ng vitamins, ipagluto, masahihin. Aba eh kulang na lang pati pag-dyebs ay ipaalala namin. Ganun kami ka-dedicated mapasaya lang ang mga labs namin. Pero minsan walang keber ang mga guys. Marami kasing engot na mga lalaki dyan ang dedma lang sa mga ginagawa sa kanila ng girls. Feeling macho dahil alam nila na marami namang replacement kaya hala-sige-larga ang drama ng mga kolokoy. Kung naging lalaki siguro ako, magiging better man din ako. Kasi naranasan ko na kung pano ang madedma ng kolokoy na lalaki.

If I were a boy
I would turn off my phone
Tell everyone it’s broken
so they’d think that I was sleeping alone
I’d put myself first
and make the rules as I go
Cause I know that she’ll be faithful,
waiting for me to come home, to come home.

Anong mga rules ba ang sineset ng mga lalaki? Bawal ang tawagan maya’t maya? Hintayin magreply, bawal ang i-ring? MWF lang pwede magkita dahil may gimik ang tropa pag TTHS? Bawal ipagising pag tulog; pwede pero siguraduhin na importante? Kung naging lalaki ako, anu-anong mga rules kaya ang ise-set ko?

It’s a little too late for you to come back
Say it’s just a mistake,
think i’d forgive you like that
If you thought I would wait for you
you thought wrong

Sabi ko na broken-hearted ang composer nito eh! Lumabas din ang totoo sa bandang huli. Naisip niya siguro na di niya kayang maging (katulad ng) lalake (niya) at magpaka-insensitive. Nangibabaw pa rin ang pagiging drama queen niya at ibinuntong ang sisi sa pabayang boyfriend.

But you’re just a boy
You don’t understand
and you don’t understand, ohhhh
How it feels to love a girl
Someday you wish you were a better man
You don’t listen to her
You don’t care how it hurts
Until you lose the one you wanted
Cause you’re taking her for granted
And everything you had got destroyed

Bakit nga ba may mga lalaking ipinanganak na insensitive? Sana man lang kahit kaunti e tumikim ng sibuyas ang mga nanay nila para malagyan man lang ng kahit katiting na sensitivity ang mga balat nila. Hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki ang paminsan-minsan na pagiging emotional e. Sabi nga it takes a real man to admit that he’s hurt. Kung tutuusin, mas appealing pa nga ang caring at mapagmahal na lalaki than some kind of machismo. Pero iilan na lang yata ang natitirang ganito (isama na natin sa bilang ang mga guapong lalake sa blogospiya). Suwerte mo kung matatagpuan mo agad dahil pag minalas ka, malamang tumandang dalaga ka na.

Kung naging lalaki ako, siguro mas magiging loving ako. Naranasan ko nang kalimutan minsan at pagkaitan ng lovelife ng isang lalaki. Siempre di ko na gagawin yun sa magiging labs ko. Kung naging lalaki ako, siguro I would be a better man.

Entry filed under: Uncategorized. Tags: .

Ingat, ingat… Tamang kape o excited?

3 Comments Add your own

  • 1. dylan dimaubusan  |  November 29, 2008 at 2:04 am

    hmm, if i were a boy ang drama natin ha..hehe
    yeh it’s true that it takes a real man to admit that he’s hurt.. naaliw ako sa post mo in fairness…
    😉

    Reply
  • 2. ELIment  |  November 29, 2008 at 11:59 am

    eh pano ako? if i were a girl? hehe
    salamat sa pagdalaw at sa link. link you din po.

    Reply
  • 3. enjoy  |  December 1, 2008 at 2:24 am

    @dylan – maraming salamat at na-appreciate mo ulit bro. ala lang. naisip ko lang yun. wishful thinking lang. bringing back the old me. dati kasi akong tomboy eh… namiss ko lang. sssh! hehehe!😀

    @ELIment – salamat po sa pagbisita. super hanga talaga ako sa mga obra mo. see? nagdala pa ko ng katibayan dito sa site ko. ganda ng PBS logo. hehehe! btw, kung gusto mo i-try, pwede din yun naisip mo. if you were a girl, ano kaya magiging lyrics?🙂 balik ka ulit🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

November 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: