Tamang kape o excited?

December 1, 2008 at 2:16 am 3 comments


Pucha! Alas-dos na ng umaga pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Daig ko pang tumira ng shabu nito ah. Dalawang bagay lang naman to eh. (1) Dahil sa tinira kong cough syrup Kopi C kanina (tawag sa coffee with cream dito sa Singapore) o (2) dahil excited na kong umuwi ng Pinas mamaya. Sa disposisyon ko ngayon, mas malaki ang tsansa na yung ikalawa ang sagot.

Wohoo! Uuwi na ulit ako ng Pinas! Makikita at makakasama ko na naman ang mga kids ko. Hanep ang feeling. Mixed emotions! Ganito rin siguro ang nararamdaman ng iba pa nating mga kababayan na nagtatrabaho o nakatira sa ibang bansa noh. Kahit alam nila na sangkaterbang gastos na naman ang daratnan, excited pa rin umuwi. Masarap pa rin talaga ang bumalik sa pinagmulan. Lalo na ngayong Pasko. Iba pa rin ang simoy ng hanging Pasko sa Pinas. Walang katulad.

dsc00553

Apat na oras na lang at mag-aalarm na ang cell phone ko. Amfotek andito pa rin ako?!? Patay na naman ako mamaya nito. Malamang na obvious na naman ang tea bags ko sa mata. Kailangan nang makatulog at mag-gain ng lakas dahil malamang pagdating ko ng Pinas e sagaran na naman ang kuwentuhan namin ng mga bata. Hanggang dito na lang muna at saka na tayo maghuntahan ulit.

MANILA, HERE I COME!!!🙂

P.S.

Feeling ko, may kinalaman din ‘yung kape kaya gising pa ko ngayon. Feeling ko lang ha….

coffee_cup

Entry filed under: Uncategorized. Tags: .

if i were a boy… Balik Pinas

3 Comments Add your own

  • 1. gasti  |  December 2, 2008 at 2:55 pm

    uwian na pala? welcome back!
    wala bang para sakin dyan sa loob ng maleta mo? haha! biro lang.

    Reply
  • 2. eliment  |  December 3, 2008 at 8:05 am

    aha..kaya naman pala hindi makatulog. naku kahit sino naman siguro ang excited nang makita ang mga mahal sa buhay tiyak hindi mauubos ang plano kahit abutin ng umaga.

    welcome back po!

    Reply
  • 3. enjoy  |  December 3, 2008 at 10:33 pm

    @gasti – hala! sabi ko na ikaw ‘yung nasa dulo ng dila ko nung namimili ako ng pasalubong eh… hay memory gap🙂

    @eliment – korek ka dyan bro! di pa nga ako napapahinga since dumating ako. panay larga na agad with kids. hehe! newei, salamat po sa masayang pagsalubong🙂

    WELCOME TO PINAS BACKPACKERS & TO ALL OUR BALIKBAYAN FRIENDS!🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

December 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: