Balik Pinas

December 6, 2008 at 12:03 am 3 comments

Sa wakas. Matapos ang ilang araw na lakaran simula ng dumating ako, nagkaroon din ako ng chance na makapagbukas ng kompyuter. Ilang araw ko din hindi nadaan ang WordPress at na-miss ko naman talaga ‘to. Kating-kati na ang mga daliri ko sa pagtipa at punung-puno na ng mga rubbish kuwento ang utak ko.

Uumpisahan ko noong araw na umalis ako ng Singapore.

tnt

Sa Budget Terminal airport pa lang ng Singapore ay naging exciting na dahil nakasabay ko ang entourage ng Talk ‘N Text basketball team para sa biyaheng Cebu Pacific (malaking katipiran nga naman kesa PAL pa ang sasakyan nila eh meal inclusion lang naman ang ipinagkaiba). Sa totoo lang di ko sila kilala lahat. Karamihan sa mga players ay talagang bago sa aking paningin. Nakuha lang nila ang atensyon ko ng magpakuha ng picture ang ilang mga pasahero na kasama ang ilang players. Kalauna’y napansin ko na ang “Talk ‘N Text” embroidery sa suot nilang damit kaya’t agad kong tinawagan si Emengard para ibalita sa kanya. Dahil dala ko noon ang aking ever-reliable Canon SLR, di ko na rin napigilan magkukuha ng litrato (kahit pa di ko sila kilala). Ang nakakatuwa pa, halos lahat ng mga players ay nasa likuran ko lang nakaupo. Naka-chikahan ko pa ‘yung isa sa mga managers ng mga players pero dinedma kong alamin ang name dahil sa mukha siyang manyakis. Ha-ha-ha!

img_5719

Matagal-tagal din kaming naghintay ng boarding. As usual, late na naman ang Cebu Pacific. Inabot na ko ng pagkagutom at pagkainip. 10:35 AM ang flight, pero 11AM na kami nakaalis. Trademark na yata ito ng Cebu Pacific kontra sa advertisement nila dati na “on-time”. Kung natitiempuhan lang ako, ewan. Pero sa 10 beses na pagsakay ko sa kanila, 2 beses pa lang yata akong lumipad ng tama sa oras.

Tatlong oras ng nakakahilo at maalog na biyahe, lumapag na rin kami sa NAIA Terminal 3. Medyo systematic pa ang bagong bukas na terminal. Mabilis ko rin natagpuan ang taxi bay kung saan, bukod sa fixed fare airport taxi, ay mayroon na rin **regular metered yellow airport taxi at regular metered white taxi na maaari mong pagpiliian as means of transportation. (**Ayon sa driver ng sinakyan kong metered yellow taxi, sila daw ay DOT accredited; ang ikalawa ay accredited ng mga sekyu sa airport. Hehehe!)

Paglabas namin ng airport ay tumambad na sa akin ang mga pamilyar na lugar. Masikip na daanan, sangkatutak na mga sasakyan, mauusok na mga tambutso. Mga bagay na matagal-tagal ko ring hindi na-experience sa Singapore. Nasa ‘Pinas na nga ako, at hindi ko na maikakaila ‘yun. Lalo na ng salubungin ako ng mga naglalakihang billboards sa EDSA at sala-salabat na electrical wires.

Manila, Manila. I keep coming back to Manila.
Simply no place like Manila,
Manila I’m coming home…

pinas1

Ilang sandali pa at narating ko na rin ang aming lugar. Bigla akong napangiti sa realisasyon na eto na naman ako sa lugar na ito. Sa sandaling panahon, inakala kong nakaligtas na ko sa mga chismakers sa aming lugar. Pero ng papalapit na ang aming sasakyan at sumungaw ang mga mukha ng mga uzis, para akong kinatok sa ulo ng anino ko sabay sabi na, “Oy, gising na! Taga-eskuwater ka pa rin kaya tama na ang feeling sosyal!” Toinks! Oo nga pala. Dito pa rin pala ako nagmula. At kahit bali-baligtarin ko pa ang mundo di ko na mabubura ‘yung kaya walang saysay na pangilagan ko ang mga chismakers na ‘to dahil may mga pagkakataon pa rin na makikita ko ang mga pagmumukha nila. Play-dedma na lang ulit ako tulad ng dati.

Hay, eto na naman ulit ako sa magulo pero exciting na mundo ng ating bansa. Sobrang laki ng pagkakaiba sa bansang pinaggalingan ko. Natatakot na naman akong umuwi ng gabi at gumamit ng cell phone sa daan. Nabubugnot na naman ako sa walang patid na trapik at mapuputik na mga kalye lalo na’t madalas ang ulan. Dinapuan ako ng sipon buntod ng biglang pagbabago ng panahon (medyo malamig na dito compare sa SG) at binagyo na naman ako ng mga kagat ng lamok. Walang ganito doon sa SG pero mas gusto ko pa rin ang bumalik at eventually ay dito mag-retire sa Pinas. Dahil aminin ko man o hindi, ang mga bagay na ‘yun ang nagbibigay-kulay sa buhay ko bilang Pinoy. Kakaiba man ang ating kultura, mga paniniwala, mga nakagawian, o mga alituntunin, hindi ko pa rin maiisantabi ang katotohanan na ang mga bagay na ito ang nagpalakas sa aking pagkatao at nagpabago ng mga idealohiya ko sa buhay. Pinatatag ng mga pasakit na iyon ang ambisyon kong mangibang-bayan at paunlarin ang buhay ng mga mahal ko. Kumbaga, ang mga dumi sa ating lipunan ang humulma na rin sa aking pagkatao. Bakit di ko nga naman mamahalin ang Pinas di ba? He-he-he! Sa totoo lang, di ko na alam ang mga pinagsasabi ko. Torete pa ko sa mga pantal ko binti at hita. Basta ang alam ko lang, masaya ako at andito na naman ako. Aside from the fact na makakasama ko ulit ang mga bata siempre. Mahigit isang buwan din ang ilalagi ko dito. Sana maging productive ang mga araw ko dito sa muling pagbabalik-Pinas.

Entry filed under: Uncategorized. Tags: .

Tamang kape o excited? Tuliro

3 Comments Add your own

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

December 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: