Tuliro

December 9, 2008 at 6:19 pm 3 comments

This part of my life is called… TULIRO.

*****

Linggo. Alas-nueve ng umaga.

Nagtext ‘yung hipag ko. Pinaringgan daw siya ng isa ko pang hipag. Ang sabi, bakit daw siya (hipag 1) andun? Akala daw ba ano? Ano’ng ibig sabihin ng “ano”?

Pa’no ba ang pagkakasabi?“, tanong ko.

O bakit ka nandito? ‘Kala ko ba ano?“, ang sabi daw ng isa ko pang hipag. Walang ibang tao dun kungdi siya (hipag 1) at ang ‘yung mag-asawa (kapatid ko at hipag 2). Kaya alam ni hipag 1 na siya ang pinariringgan ni hipag 2. Just a short background, mayroong cold war ang (mapagpatol na) mga kapatid kong lalaki at ang mga kumander nila.

Maya-maya nagtext ang tatay ko, “Wag mong tawagan si (hipag 2). Nagkamali lang ng pagkaintindi si (hipag 1).

Nagtext ulit si hipag 1. Lumalabas daw ngayon na siya ang sinungaling.

Saan ako lulugar?

Tuliro.

*****

Linggo. Alas-onse ng umaga.

May nagpunta sa bahay para kunin kaming tagapag-alay ng kandila sa simbahan. (Eto yung part kung saan mag-ooffer ng candles, bulaklak, prutas o pera tapos ay koleksyon na.). Kasama na ang pagsindi ng 2nd Advent candle at pagbasa ng family prayer.

Alas-tres. Pagdating sa simbahan, may sumulpot na isa pang pamilya. Naimbitahan din daw silang mag-offer at magbasa. Nagulat ang mga nag-imbitang deaconess. Bakit naging dalawang pamilya ang mag-aalay?

Umpisa na ng misa at di pa rin namin alam kung saan kami lulugar at ano ang aming gagawin. Nasa likuran namin ang pari at siya ang nagsilbing guide.

Pagdating sa altar, lahat kami ay tuliro. Buti na lang andun si Father.

*****

Nag-ayang kumain si bunso pagkatapos ng misa. Gusto niya doon sa may bubuyog pero wala akong dalang pera. OK na sana sa fast food resto na tunog intsik na kasosyo ni bubuyog. May pancit canton na mura lang. Kasya sana sa lahat. Pero gusto niya talaga si bubuyog. Two-hundred pesos lang ang dala kong pera. Limang katao kami. Muli, ako na nama’y naging tuliro.

Dumukot si Papa sa kanyang bulsa. Nauwi kami kay bubuyog.

*****

Pagdating sa bahay, may naabutan kaming matandang lalaki na may kasamang babae na tantiya ko ay nasa edad 20.

Sino po kailangan niyo?“, tanong ni Mama.

Dito ba nakatira si Enjoy?“, sagot ng matanda. Nagulat kaming lahat. Ako yun. Sino ‘tong matanda na ito at kilala ako?

Enjoy, anak. Ako ang tatay mo.” sabi ng matanda. Mas lalo kaming nagulat lahat. Hindi niya kamukha ang tatay ko na nakatira sa eskinita ng Tondo. WTF! Ampon ako ng mga nakilala kong magulang?!?

Oo anak. Ipinaampon kita noong sanggol ka pa lamang.” sambit ng matanda na nabasa pa yata ang utak ko.

OH NO!!!!

*****

P.S.

‘Yung huling scenario, make-up story ko lang. 😀

Entry filed under: Uncategorized. Tags: , , .

Balik Pinas Crossroad

3 Comments Add your own

  • 1. ELIment  |  December 10, 2008 at 9:04 am

    ay..pati ako natuliro. hehe

    Reply
  • 2. khel  |  January 16, 2009 at 5:06 pm

    hahahahahaha…………………., ate nttawa aq s tuliro m ang galing ng pag ka sunod snod ah grabe nttawa tlaga aq sau.

    Reply
  • 3. enjoy  |  January 16, 2009 at 5:48 pm

    @eliment – hehe. ako super tuliro.

    @khel – bangag yata ako nung araw na yan kaya pati mga pangyayari nakakaloko. hehehe! bangag sa utot, i mean🙂

    salamat sa pagdaan niyo ^_^

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

December 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: