Crossroad

December 11, 2008 at 2:15 pm 3 comments

Minsan dumarating sa buhay mo ‘yung mga pagkakataon na naguguluhan ka at nagda-dalawang isip kung tama ba o mali yung ginawa mong desisyon. Gusto mong bawiin pero huli na, nagbitiw ka na ng salita; nagdesisyon ka na. Maiiwan ka sa sitwasyon na alam mong ikaw ang maiipit at dehado. Pero wala kang choice kasi dalawa lang naman ang kalalabasan ng susunod mong aksyon; (1) babawi ka para maituwid mo ang lahat, pero may siguradong masasaktan at matatapakan o (2) papanindigan mo ang desisyon mo at mag-suffer sa magiging consequence nito. Alin man sa dalawa ang piliin mo, alam mong hindi ka magiging masaya.

Minsan naiisip ko, masarap siguro ‘yung may power kang i-predict ang future. Alam mo na agad kung tama o mali ‘yung mga gagawin mong hakbang at mabibigyan ka ng warning para baguhin mo ang nasa isip mo ngayon. Masarap sigurong maging tulad ni Isaac Mendez ng Heroes na may kakayahang ipinta ang future. Ang mga pinta niya ang naging daan upang mailigtas ang buhay ng cheerleader na nakatakda sanang mamatay. O di kaya ang power ni Hiro Nakamura na kayang mag-travel through time. Pupunta ka sa future para malaman ang outcome ng aksyon mo, at babalik ka sa past para baguhin ito. Sana may totoong mga Heroes na tutulong s’yo sa paggawa mo ng desisyon. Sana may powers tayo na katulad nang sa kanila para maituwid ang tama at mabawasan ang mali. Pero mas pinili ng Dios na maging simple lang ang power ng mga tao. Ito ay ang power na gamitin ang utak sa pamamagitan ng logical thinking at i-analyse ang sitwasyon. Para kung magkamali man tayo, matutunan nating bumangon, mag-move on at bumaling sa Kanya. Dahil wala pang nagsisi sa unahan. Lahat ay nasa hulihan.

crossroad

Hindi madali ang maiwan sa gitna ng daan at pumili kung sa kaliwan o sa kanan ka ba daraan. Mahirap ang mapunta sa crossroad. Walang kasiguruhan. Ang minsang akala nating tama, lumalabas na mali rin pala. Ang akala mong safe, delikado pala. Kung ma-encounter mo man ito, sana makapag-isip ka nang tama bago ka magbitiw ng salita at gumawa ng hakbang. Iyon bang nasa maayos kang disposisyon – hindi lito, gutom, lasing, o bangag – para sigurado ka sa mga sasabihin mo at wala kang pagsisisihan.

Kasi mahirap ang magsisi sa huli.

Entry filed under: Uncategorized. Tags: , .

Tuliro Bente-singko

3 Comments Add your own

  • 1. Aling Baby  |  December 11, 2008 at 5:20 pm

    haaayy crossroad…sa ilang taon kong nabubuhay sa mundo, indi natatapos ang crossroads sa buhay ko. minsan kahit alam na natin na masasaktan at mahihirapan tayo sa mga bagay na ginagawa natin, patuloy pa rin tayo sa pagsugal. Ika nga eh, “What doesn’t kill you will only make you stronger.” Paanu nga ba naman natin malalaman kung anu ang maaaring mangyari kung indi natin susubukan ang mga ito?

    nice post!๐Ÿ™‚

    Reply
  • 2. enjoy  |  December 12, 2008 at 1:38 pm

    hi aling baby! salamat sa pagbasa mo sa king blog. pareho tyong malimit mapadaan sa crossroads at sumuong sa mga sugal ng buhay. andun kasi yung challenge eh; yung spice sa buhay. hindi masaya pag plain and simple lang db? mas masarap daw pag nasusugatan ang tao, lalong tumatapang. at tama ka dyan, “what doesn’t kill you will only make you stronger”๐Ÿ™‚

    Reply
  • 3. supergulaman  |  December 13, 2008 at 10:13 am

    crossroads…tamang prayers lang yun siguro at maayos na pagaanalisa…kung alam nating hindi tayo magiging masaya sa khit anung desisyon na ating gagawin…cguro ang next step ay isipin natin ang mga taong magiging masaya sa desisyon na ito…yun ang maganda sa buhay, hindi natin sya pwedeng pangunahan…kung nagkamali ka, matuwa ka…cgurado may natutunan ka dun…walng maling desisyon sa buhay…sabi nga nila nagiging mali lang ito kung hindi ito napapanindigan…๐Ÿ™‚

    ***************************
    ~ hehehe! tama ka dyan parekoy๐Ÿ™‚

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

December 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: