Bente-singko

December 14, 2008 at 12:23 am Leave a comment

Dumalo ako kagabi sa isang konsiyerto na binuo ng dating sinalihan kong choir sa lugar ng Tondo. Tulad ng isang batang Tundo, naging excited ako na balikan ang aking pinagmulan pati na rin ang mga bagay na naging bahagi ng buhay ko doon. Kasama na nga roon ang grupo na minsa’y pinagbuhusan ko ng atensyon at oras. Alam ko sa sarili ko na hindi naman kagandahan ang boses ko. Pero nang mapabilang ako sa kanila, bigla akong nagkaroon ng unting yabang sa sarili. Kasi nama’y isa ang grupo namin sa pambato ng aming simbahan pagdating sa mga choir competitions. At isang karangalan na muling ma-witness ang 25th anniversary special nila. Imaginin mo ‘yun? Ganun na pala sila katagal. Bente-singko.

Sa pagpasok ko sa simbahan, maraming familiar faces na agad akong nakita. Andun pati ang mga dati kong tropa. Ka-tropa ko din ang kinuha ng grupo para mag-direk sa kanila – isa ring dating miembro ng choir. Hindi nagsimula sa saktong oras ang palabas. Bagay na ikinabahala ko at kahit paano’y ikinahiya bilang dating kasamahan. Ewan ko ba pero may pakiramdam ako na hindi magiging maganda ang kalalabasan ng concert na ‘yun. Gut feeling na madalas magkatotoo kesa hindi. Sa loob ng 2 taon na pinamalagi ko sa grupo, nakilala ko na sila ng lubusan—ugali, bisyo, mannerism—at hindi ko ikinatuwa na makilala sila sa ganoong paraan. Isa nga iyon sa mga naging dahilan kung bakit maaga ko silang iniwan eh at di ko inasahan na pagkalipas ng sampung taon mula ng iwan ko sila ay wala pa ring naging pagbabago. Dala-dala pa rin nila ang mga ugaling nakasanayan at mukhang mas nag-improve ang mga ‘yun kesa sa kanilang boses. Ah, hindi pala. Meron pa palang nag-improve—ang katawan ng mga babae nila na dati’y sinlaki lang ng palanggana, ngayon ay batya na. Hay, bakit nga ba sila lumobo ng ganoon?!? Pinasagwa tuloy ng mga kalusugan nila ang magarang disenyo ng uniform. Sayang, ang ganda pa naman. At hanep ang kulay ha: teal (kapamilya ng green).

…kulay matanda.

Kasama ko ang mga pinsan ko sa panonood ng concert. Dating member din kasi ang pinsan kong lalaki na si Tobon. Nasa kalagitnaan na ang palabas pero wala pa rin akong makitang kakaiba sa mga reaksyon nila. Wala man lang excitement, amazement o ano pang -ment dyan ang nakita ko sa mukha nila. Di nabago ang pagkakunot ng kanilang noo na sinasamahan pa ng paminsan-minsang pagkangiwi. Ano bang pinapanood namin? Suspense-thriller? Hindi pa man natatapos ang palabas ay nagdesisyon na silang iwan ako. Ayoko naman iwan ang mga dati kong kasangga na andun pa rin at nanonood. Kahit pa feeling awkward na ko lalo na’t ng tawagin ang mga current and old members na nasa audience lang para samahan ang mga nasa stage sa pagkanta ng kantang peborit naming lahat… ang Pasko Na Sinta Ko. “Wow kewl!” Pero initial reaction lang ‘yun. Ang sumunod ay awkwardness ulit.

Dumating na ang pagtatapos ng palabas (finally) at parte kung saan ia-acknowledge ang contributions ng mga tao sa likod ng “matagumpay” na pagtatanghal. Napasalamatan ang guest pianist, pianista ng grupo, parish priest, mga taong nanood, ilang sponsors (hindi pa nilahat) pero di man lang nabanggit ang pangalan ng ka-tropa kong direktor. Pucha! ‘Yun pa naman ang hinihintay ko para mapakawalan ang malakas kong “Yahoo!” pero nabigo lang ako. Bakit ganun? May pagkakamali ba sa script? Nadokleng ba ‘yung nagbabasa at nag-skip from middle portion to the bottom? Nagpalakpakan na ang lahat at ipinakilala na ang mga miembro. Naisip ko baka dito sa part na ito isisingit ang pangalan ni friend. Pero muli na naman akong napahiya sa ‘king sarili dahil natapos na pati ang picture taking eh wala pa rin nag-congratulate at nagpasalamat man lang sa magaling kong kaibigan. Grabe! Ganun pa rin sila. Nasa katawan pa rin nila ang kayabangan, pride, kakitiran ng utak at immaturity. Nakuwento ng ka-tropa ko na madalas niyang mapagalitan ang grupo dahil sa pagiging unprofessional during practices. Malamang na nagtanim na naman sila ng sama ng loob kaya ang epekto ay ang pagka-erase ng name ng friend ko sa matalas nilang memorya. Masakit man isipin pero eto ang mga bagay na di pa rin nababago sa kanila. Hindi matatakpan ng galing nila sa pag-awit ang hangin sa kanilang utak (at katawan kaya sila lumobo ng ganun). Sayang na lang ang pundasyon na itinayo ng mga naunang miembro para sirain nila ng ganun na lang. Nakakainis at nakakapanghinayang na pinanood ko pa sila. Naglagi na lang sana ako sa bahay at natulog. Konsiderasyon ko na nga lang ang pagkikita-kita namin ng tropa; maliban dun wala na.

Beinte-singko. Matatag ang pundasyon ng isang grupo o nang kahit na anong relasyon kapag umabot na ng ganoon katagal. Pero hindi kasiguruhan na magtatagal pa kung may mga anay na pilit na sumisira sa pundasyon. Napakaliit ng boses ko para sabihin na sana’y mag-grow na sila, emotionally and mentally. Minsan na nila akong nabiktima pero kailan man di ko idinamay ang paghanga ko sa mga accomplishments nila. Wala naman masama sa pagbababa ng pride. After all, sila naman ang lumapit sa kaibigan ko at humingi ng tulong. Di naman niya ipinagpilitan ang sarili nya. Maayos ang naging takbo ng programa. Kung may naging mali man, nasa mga artista na ‘yun. Maganda sana ang plano kong pagkukuwento sa inyo ng panonood ko ng konsiyerto. Hindi ko inasahan na sa bawat pagtipa ko sa keyboard ay lalabas ang naging aking pagkadismaya.

Entry filed under: Uncategorized. Tags: , , , , .

Crossroad Minsan Isang Panahon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

December 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: