Minsan Isang Panahon

December 16, 2008 at 8:08 pm 1 comment

Habang nag-oorganize ng mga dating gamit, naispatan ko ang dating sinulat ko noong adviser pa ko ng P.I.P.O.L. Nakatago pa rin pala ‘yun pagkalipas ng halos 12 taon na rin. Habang binabasa ko di ko mapigilang mapangiti. Ginawa ko kasi ‘yun para sa dating mga opismate na sunud-sunod na nagpakasal. Nakakatuwa na nagawa kong isulat ‘yun sa panahong gulo din naman ang utak ko. Pakiramdam ko tuloy naging pretentious writer ako. Gayunpaman, ibabahagi ko na rin sa inyo para masabi ko namang minsan isang panahon, naikuwento ko ito sa inyo. Kayo na ang bahalang kumilatis.😀

**********

How do you know if you have fallen in love with the right person, in the right place at the right time? Paano nga ba? Ewan ko. Nobody knows. Darating na lang kasi ‘yon.

Sa isang panahon, maiisip mong , “eto na ang lalaking para sa akin”. Handa ka nang pakasalan sya; sumagot ng “I do” sa simbahan, magsuot ng puting bridal gown (uso pa ba ang puti?) at maglakad sa aisle habang kumakanta ang choir ng Bridal Chorus. Ang sarap siguro ng feeling. Parang kang isang anghel sa langit. Lumulutang, lumilipad sa alapaap.

Pero sa isang banda, naisip mo bang handa ka nang isapalaran ang buhay dalaga? ‘Yung bang gumising ng maaga para magluto ng almusal (kahit ang alam mo lang iluto ay pritong itlog na basag ang pula at hotdog na sunog); mag-handwash ng damit (na never mong ginawa maski sa panty mo); magligpit ng kama o kaya’y maglinis ng bahay? Naihanda mo na ba ang sarili sa paggising sa umaga na ang una mong masisilayan ay matang may muta at panis na laway ng lalaking iyong pinakasalan? Handa ka na bang makisama sa mga in-laws? Tiisin ang metikulosong mga biyenan? Pakialamerang bilas at sigang mga bayaw? Na-imagine mo na ba lahat ng mga ito? Magpakatotoo ka sister! Siempre hindi.

Marriage is a lifetime commitment. Hindi ka na pwedeng tumakas ‘pag andiyan na. Hindi mo na pwedeng isoli ang wedding ring at bawiin ang “I do”. Sa anumang panahon, you have to get ready in facing any circumtances a married life may bring. Even new discoveries. Pati na ang paghihilik pala ng husband mo. You have to learn to sacrifice your own happiness for the sake of your loved ones. No more ice creams and chocolates for you, kay baby na lang. Saka na ang bagong damit, si honey na lang muna. Bagong make-up, spa, derma o body scrub, pass na muna. Bibili ka pa kasi ng gatas ni baby. Kung mature ka na at feeling mo handa ka ng harapin ang mga bagong responsibilidad, then go! Kung handa ka nang mag-sacrifice, okay lang suungin ang pag-aasawa.

Paano kung hindi?

Sige na. Mag-isip isip ka muna. You have all the time in the world. Magpunta ka sa Luneta (ok lang kahit medyo jologs), o kaya sa Camiguin (exciting), o di kaya’y sa Pink Sisters Convent sa Tagaytay (pwede rin na magmadre ka muna). Basta sa lugar na walang pwedeng mag-brainwash sa iyo. Ni shadow ni fafa, dapat wala. Para solo mo ang desisyon. Kontrolado mo ang sarili mo. Magdasal ka. Ask for His guidance that He’ll lead you to the right path. He knows well. He has the answer. At pagkatapos mong mag-contemplate ay nauwi ka pa rin sa desisyong pakasalan ang lab of your layf, go on, pakasal ka (kung gusto mo ako pang kakanta sa kasal mo). Sundin mo na ang bunggo ng dibdib mo kung doon ka liligaya. Ako pang unang babati sa ‘yo.

Hindi naman ako galit sa mga lalaki. May asawa nga ako eh. Ang aki’y paalala lang naman para sa mga binibini ng ating grupo na nais nang lumagay sa tahimik. At least may chance pa kayong umatras at magdesisyon ng tama. Walang regrets. Walang bitterness. ‘Yun bang minsan isang panahon naging totoo ka sa sarili mo at hindi napipilitan lang. Walang puwersahan.

Sa mga magpapakasal na, good luck mga parekoy. Kita-kits tayo sa simbahan. Inaaya na rin kasi ako ng mister ko. ‘Pag wala ka pang gown, takbo ka sa ‘kin at ako na bahalang mag-design. Regalo ko na syo para sa buhay na maganda’t masaya. Dadagdagan ko pa ng matamis na ngiti.

Para minsan isang panahon, masabi mo namang dinamayan kita.🙂

P.S.

Hindi natuloy ang pagpapakasal namin ni Emengard sa simbahan sa hindi malamang dahilan. Inaalam ko pa hanggang ngayon.

Entry filed under: Uncategorized. Tags: , , , .

Bente-singko Tuloy Pa Rin Ang Pasko

1 Comment Add your own

  • 1. ELIment  |  December 19, 2008 at 5:18 pm

    “How do you know if you have fallen in love with the right person, in the right place at the right time? Paano nga ba?” hehehe..alam mo, ito rin ang tanong ko nun eh. pero tama ka, isang araw, sa isang hindi inaasahang panahon at pagkakataon, darating siya.

    lagi daw may dahilan sa bawat pangyayari…pero hindi lahat ng tanong ay nasasagot. may mga tanong na nangangailangan ng mahabang panahon para ito ay masagot. sa ngayon ang masasabi ko lang po..”ENJOY” each other. merry Christmas!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

December 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: