Tuloy Pa Rin Ang Pasko

December 22, 2008 at 11:18 pm 2 comments

Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang indak ng mga bombilya
Kikindat-kindat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang iyong mga mata.
~ Excerpt from “Kumukutikutitap” of Joey Albert

Ilang tulog na lang at Pasko na. Brr! Damang-dama ko na ang malamig na simoy ng hangin na nanunuot hanggang laman. Halos mamaluktot na rin ako sa pagtulog kahit pa balut na balot na ‘ko ng makapal na kumot. Sa di kalayua’y iba’t ibang boses naman ng mga nangangaroling ang madalas kong marinig. Nakakatuwa na kahit ang iba’y sintunado, sige pa rin sila sa pagbirit ng kanta. Kahit pa paulit-ulit na lang ang kanta at “Patawad po,” ang kasunod na hirit ng mga kuripot natatapatan.

Minsan lang sa isang taon dumarating ang Pasko pero eto na yata ang pinakahihintay kong event sa buong buhay ko (maliban pa sa birthday ko siempre). Sabihin nang mas madalas kaysa sa hindi eh butas ang bulsa ko pero ‘yung feeling na naaalala mong i-share ang blessings mo sa iba  kahit na sa maliit na paraan, at ma-express ang appreciation mo sa buhay na binigay sa iyo ng Diyos, it’s something that is inexplicable. Marami rin akong matinding pinagdaan ngayon taon na ito. Hindi lahat masaya at maganda. Marami rin pagkakataon na lumuha ako at dumanas ng kabiguan; nasaktan at halos  mawalan ng pag-asa. Ganunpaman, hindi naging hadlang ‘yun para hindi pa rin ako maging grateful sa mga nangyari sa ‘kin. Kasi naging daan pa rin ang mga iyon para magkaroon ako ng (kaunting) pagbabago sa pananaw at direksyon sa buhay.

Sa Pasko rin madalas mangyari ang mga reunions o pagkikita ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan. Minsan pa nga, pag Pasko rin lumilitaw ang mga kapamilyang hindi mo na alam kung kaninong family tree sumulpot. Magugulat ka na lang at bigla kang tatawaging ate o kuya o tito/tita at sasabihing anak sila ni Kulas na kapatid ng malayong pinsan mo na si Juan na apo ng lola mo sa tuhod na si Lola Basyang. Confused ka man, masaya ka pa rin na makilala ang iyong angkan. Kahit na tuwing Pasko mo lang talaga sila nakikita. Marami ring magkakaaway ang nagbabati kapag Pasko. Pwede naman ‘pag Holy Week o di kaya’y New Year, pero pinipili pa rin ng mga karamihan ang sumugal na makipag-ayos sa Christmas. Dahil ito lang ang alam nating pahanon nang pagbibigayan at pagmamahalan. Sino nga naman ang kokontra at papalag pa sa isang nilalang na humihingi ng tawad at pagmamahal? Manhid na lang siguro ‘yun.

Simple lang ang wish ko this Christmas. Hindi materyal. Hindi kamahalan. Wish ko lang na maging maayos na ang buhay ng mga taong mahal ko at matutunan nilang tanggapin ang mga pagkukulang ng bawat isa sa amin. Na mahanapan ko na ng sagot ang maraming tanong sa buhay ko. Mga munting hiling na di ko pinagsasawaang isama sa wishlist ko taun-taon. Medyo natatagalan nga lang ang katuparan pero naniniwala ako na isang Pasko, pagbibigyan din ako nung nasa Itaas. At alam ko na malapit na rin dumating ang Paskong iyon.

Ngunit kahit na anong mangyari
ang pag-ibig sana’y maghari
sapat nang si Hesus ang kasama mo
tuloy na tuloy parin ang Pasko.
~ Excerpt from “Tuluy na Tuloy Pa Rin Ang Pasko of San Miguel Philharmonic Orchestra

Maugong ang balitang mas mararamdaman sa susunod na taon ang krisis dito sa Pinas. Marami na ang kinakabahan at natatakot sa maaring maging epekto nito sa ating bayan at sa marami pang Pilipinong naghihirap. Sadyang hindi maiiwasan pero maaaring maagapan. Sana lang ay maging madalian. Wish ko rin na sana’y manatiling matatag ang bawat Pilipino sa pagharap sa panibagong bagyong ito. Hindi madaling harapin pero hangga’t buhay ang paniniwala mo sa powers Niya , walang anuman ang imposible. Sana kahit na anong mangyari, manatiling buhay sa ating puso ang pag-asa, hindi lang ngayong Pasko kungdi sa kahit sa anong panahon.

Sana kahit na anong mangyari, tuloy pa rin ang Pasko.

Entry filed under: Uncategorized. Tags: , , .

Minsan Isang Panahon Pointless (Confession of A Drama Queen)

2 Comments Add your own

  • 1. ELIment  |  January 6, 2009 at 6:37 pm

    KAHIT ANONG MANGYARI…nakalipas at ramdam parin ang pasko.happy new year po!

    Reply
    • 2. enjoy  |  January 8, 2009 at 10:23 am

      korek ka dyan ka eli! he-he-he! at happy new year din syo🙂

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

December 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: