Kontrabida

January 12, 2009 at 8:36 pm 5 comments

It really doesn’t matter whether it’s the villain or the hero. Sometimes the villain is the most colorful. But I prefer a part where you don’t know what he is until the end.
~ Glenn Ford

Hindi talaga kumpleto ang buhay kapag walang kontrabida. Eto raw ang nagpapasarap sa bawat yugto at eksena ng buhay mo. Kumbaga, kung may tamis dapat ay may asim din. Ano nga naman ang saysay ng isang pelikula kung puro bida lang? E di para lang siyang naglaro ng baril-barilan mag-isa? Ang okray di ba?

Nagpakulay ako ng buhok kahapon sa isang salon na malapit sa amin. Habang prenteng naghihintay na magkulay pula ang medyo brown kong buhok, isang maanghang na panlalait ang pumailanlang sa apat na sulok ng parlor. OMG! Nilalait ng isang kustomer at ng isa sa may-ari ng salon ang isa mga bading na beautician. Evils!

May-ari: Eh kasi naman bumili ng damit hindi naman bagay sa kanya.

Customer: Oo nga. Ang pangit niyang bading noh! Lalaking-lalaki yung itsura niya.

May-ari: Assistant nga siya ng partner ko (tomboy ang may-ari) bukas para mag-ayos sa kasal. Ayaw sa kanya nung bride. Di raw siya kagandahan.

Customer: Ay talaga naman noh! Mukha siyang kabayo! Naku ang sagwa talaga ng mukha niya.

Hay, nakakaawang bading. Buti na lang at umalis sandali ‘yung pobre kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang mga kontrabida na manlait at mang-api. Mahihiyang lumapit ang sinumang may masagwang mukha sa dalawang ito, lalo na sa aleng kustomer na simbaho ng imburnal ang amoy ng bunganga. Mukhang nakalimutan yatang mag-sepilyo ng isang buwan kaya naman mamamatay sa baho ang mabugahan ng kanyang hininga. Sana man lang nag-mouthwash kahit paano si manang o di kaya ay sinubukan niya munang tumingin sa salamin bago sinilaban sa apoy ang kapwa nya. Nakakaloka!!!

Ang aleng ‘yun ang klase ng kontrabida na masarap balikan. ‘Yung bang matapos mong marinig ang mga pinagsasabi niya ay bigla kang magkakaroon ng conviction na magparetoke ng buong katawan at saka mo siya haharapin ng taas ang noo sabay sabi na, “Ako ang nagwagi!” (with matching arko ng kilay). Mapapatumbling siguro yun sa magiging transpormasyon mo [kailangan mo nga lang pag-igihan at baka mas nakasusulasok pa ang ibalik niyang salita sa iyo].

Sari-sari ang mga taong itinuturing nating kontrabida sa ating buhay. Minsan nga may connivance pa ang mga lokong iyan. ‘Yung tipong kakasabwatin ang mga malalapit o may mga konesyon sa buhay mo para tuluyan kang paiyakin. Siempre pa ang tingin mo sa sarili mo eh lumalagapak na underdog kaya kung minsan krayola na lang ang drama mo para mapalabas na ikaw ang api at sila ang kontrabida. Parang Juday at Gladys; Sharon Cuneta at Cherie Gil.

***************************

  • Kaibigan – gaano man kabait ang kaibigan mo, paminsan-minsan kontrabida pa rin ang turing mo sa kanya. Lalo na kapag di niya type ang bago mong suitor o kahit na ang jowa mo mismo sa kabila ng sangkaterba mong pagtatanggol. Kung tutuusin may punto rin naman sila minsan. Baka naman talagang concern lang sila di ba? Pero kakaiba pa rin ang feeling mo. Hindi mo pa rin ma-explain kung bakit ganoon na lang ang pagkulo ng kanyang dugo sa iyong sinisinta. Eto na lang isipin mo. Alin kasi sa dalawa lang yan: type siya ng kaibigan mo o ikaw ang type niya?😀
  • Kamag-anak – sa mga plano mo sa buhay, sila ang mas madalas na manguna. Gustung-gusto mong mag-IT pero pipilitin kang mag-teacher para lang sundan ang yapak ng nanay mo. Pipilitin kang mag-abroad kahit ayaw mo; isisingit ang pagpapakasal kahit enjoy ka pa sa buhay single. Kulang na lang ingudngod ka sa lalaking gusto nila para lang magustuhan mo rin kahit pa lantaran mo nang sinabi na ayaw mo dun. Kultang-kulta na ang utak mo sa kakasulsol ng mga bagay na di mo naman trip gawin at tanging sila lang naman ang mag-eenjoy. Kung pwede nga lang iisantabi ang kamag-anak marahil ay matagal mo na ginawa. Pero sabi nga, blood is thicker than water. Kaya minsan kahit ayaw mo, ‘pag nagsimula ng mangilid ang luha sa mata nila, napapa-OO ka na rin. Hay…
  • In-laws – kapag pinasok mo na ang buhay may-asawa ito ang unang balang haharap sa iyo. In fairness, marami rin naman ang mga okay na in-laws pero aminin ng mga pamilyado dyan na marami rin ang tunay na kontrabida. Andyan ang mother in-law na lalatiin ka ng bonggang-bongga dahil di ka marunong magluto o kaya ay maglaba. Ang sisters at brothers in-law na ang tingin sa ‘yo ay pampam/papansin/epal at atribida/kontrabida. Samahan pa ng mga extended families na kikilatisin ka muna mula ulo hanggang paa na akala mo’y kung saan ka nagmula bago ka maisali sa family tree. Kung tutuusin di naman sila ang pinakasalan mo pero dahil nga sa package deal ‘yan, may ikakasa ka pa ba? Maki-ride ka na lang hangga’t kaya mo. ‘Yan ang tunay na Pinoy Fear Factor. He-he-he!
  • Boss/Colleagues – eto na. Kumayod ka ng husto noong nakaraang taon para makahabol sa increase at promotion. Nagsikap ka, nag-OTY (overtime na walang bayad “TY” short for “thank you”), pumapasok on-time. Nang bumaba ang promotion, isa ka sa mga tinawag sa boss’ office… hindi para i-congratulate kungdi para sabihan ng “sorry you’re not qualified for the promotion. Better luck next time“. Amfness! Halos dugo na nga ang tumatagaktak sa noo mo, hindi ka pa rin qualified?!? At malalaman mo na lang na ‘yung rival mong officemate na laging late at absent, madalas mag-undertime, telebabad sa fone, ang na-promote. Ang lamang lang niya ay seksi siya at maganda. Aba eh pag ganyan ang sitwasyon, lumayo-layo ka muna sa kutsilyo at baka maitarak mo sa boss mo. Siempre di ka pwedeng magmaktol dahil ulet, dalawa lang ‘yan: gagawan ka ng incident report for insubordination para gawing palamuti sa record mo O magigising ang boss mo sa mga sasabihin mo (mga dramang pang Best Actor/Best Actress) pero dahil sa napahiya na siya, aalisin ka na lang sa trabaho. Alin man sa dalawa, at the end of the day, ikaw pa rin talo. He-he-he!

***************************

Marami pang kontrabida ang hindi ko nabanggit. Sindami ng mga umusbong at nalaos na mga kontrabida sa pelikula Pilipino at international. Mahirap isa-isahin dahil malamang maubos ang word count ng post na ito bago ko mabanggit lahat. Kung aanalisahin, ikaw rin naman ay nagiging kontrabida paminsan-minsan. Unaware ka nga lang dahil ikaw ang nagsasalita at iba ang nakikinig. Pinangangatawanan mo ang mga ideyang sa tingin mo ay tama pero taliwas sa pananaw ng iba. Mas safe na lang siguro kung sasabihin mong ikaw ang bida at kontrabida ng iyong buhay dahil may isang punto na lagi kang panalo at isang punto kung saan ikaw ay talunan.

Masarap maging kontrabida paminsan-minsan kasi exciting ang role na ito. Masarap i-explore ang evilness within us dahil hindi natin batid kung hanggang saan ang hangganan ng ating emosyon. Tama si Glenn Ford nang sabihin niyang ang pagiging villain ang pinaka-colorful sa lahat. Dahil kung minsan ang mga inaakala nating kontrabida sa ating buhay, sila pala ang TUNAY NA BIDA.😉

Entry filed under: Uncategorized. Tags: .

Pointless (Confession of A Drama Queen) Moving Forward… when all you can do is to move on.

5 Comments Add your own

  • 1. yanah  |  January 14, 2009 at 6:47 am

    kung minsan yung mga kontrabidang kaibigan natin or relatives eh nakaktulong din naman sa pagiging maayos ng ng buhay natin, kase pagkaminsan din eh meron din tayong pagkamatigasin ang ulo kaya lumalabas na konrabida sila sa mga gusto nating gawin..

    wish ko lang eh hindi chaka yung fez nung aleng costumer na hanep manlait.. ahihihihi

    Reply
  • 2. eli  |  January 16, 2009 at 3:31 pm

    hindi yata talaga mawawala ang kontrabida sa kahit saang eksena.

    Reply
  • 3. enjoy  |  January 16, 2009 at 5:58 pm

    @yanah – tama ka naman dyan sa ating mga frends at loved ones. gnun talaga sila ka-protective kasi labs nila tyo. yung aleng mapanglait, nakupo… pareho pala tyo ng wish. hehehe! kaso hanggang wish na lang tayo ~_^

    @eliment – salamat sa madalas mong pagdaan ka eli. tama ka dyan na kahit saan may kontrabida. di na exciting ang lyf pag nag-disappear sila sa face of the earth🙂

    Reply
  • 4. i dont know  |  July 8, 2009 at 6:54 pm

    hay diyos koh wag na kayong magtalo nakakainis talaga ang mga kantrabida

    Reply
  • 5. i dont know  |  July 8, 2009 at 6:55 pm

    i min kontrabida pla eheheheheheheheheheheheheheheheheheheheheh

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

January 2009
M T W T F S S
« Dec    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: