Moving Forward… when all you can do is to move on.

January 16, 2009 at 6:26 pm 6 comments

In a few days babaguhin ko na ang domain name kong “anotherfrustratedwriter“. Hindi dahil sa ayoko nang maging writer, kung di ayoko ng isipin na isa akong “frustrated writer“. Noong magsimula ako sa pagba-blog, hindi naman ako naghangad na makilala sa blogospiya. Sapat na sa akin ang maibahagi ang ilang mga bagay-bagay sa aking buhay; gayundin ang ilang mga kalokohang paktuwal na naglalaro sa aking isipan. Ang pagdayo ng ilang mga kaibigan, pagresponde ng ilan sa mga napadaan, at pagbati ng mga ka-blog ay sapat na upang HINDI ko ituring na frustrated writer ang aking sarili.

Frus·trat·ed adj.

1. disappointed; thwarted

2. having a feeling of or filled with frustration; dissatisfied.

Sa taong ito maraming plano akong nais isakatuparan. Unti-unti ko nang inihahanda ang aking sarili sa maaaring malaking pagbabago na magaganap at ayokong ma-frustrate dahil sa hindi ako nagsikap o dahil sa hinayaan kong ang tadhana ang kumilos para sa akin. Nais kong ituring ang lahat na munting pagsubok para baguhin ko ang ikot ng aking mundo, at gusto kong isipin na anuman ang maging galaw ng orasan, o anuman ang barahang inihain para sa kin, lahat ay “piece of cake” lamang. Yakang-yakang; sisiw. Sayang na lang kasi ang sinasabi ng astrolohiya ukol sa sign kong “Rabbit” na very fortunate at financially lucky kung mananatili akong stagnant. Lalo ko lang paiigtingin ang koneksyon ng salitang “frustrated” sa aking buhay.

Nais kong pasalamatan ang mga taong nagbasa, bumabasa at magbabasa ng aking mga blogs. Hindi man ako madalas makatanggap ng mga komento mula sa inyo, ayos na sa akin ang makitang araw-araw ay nadaragdagan ang mga bumibisita sa aking webpage. Ramdam ko na rin ang inyong pagtangkilik. Sa panimula ng taon, pipilitin kong dagdagan at gawing makabuluhan ang mga darating ko pang blogs. Salamat kina Roel, Tee at Judy ng Multiply na mga unang nagbigay pansin sa page na ito. Sana ay muli kayong madaan. Salamat sa mga taong nasa blogroll ko na patuloy na umaani ng aking respeto at paghanga. Sana ay maging tulad ninyo rin ako na nagbibilang ng fans sa blogosphere.

Naisip ko na ang bagong magiging domain name ko. Ito ay literal na naglalarawan ng aking bagong pananaw sa buhay. Ililipat ko pa rin doon ang ilan sa mga blogs ko dito at marahil ay magkakaroon ng mga kaunting pagbabago pero mananatili pa ring kape ang aking paboritong higupin. Ilang tulog na lang at maayos ko na iyon. Excited na ako!

Hanggang sa muli mga bro!



Entry filed under: Uncategorized. Tags: .

Kontrabida Ayan na…

6 Comments Add your own

  • 1. juyjuy  |  January 17, 2009 at 12:35 am

    hi enjoy, salamat sa pagdaan sa aking mundo! naks.. echos..garbanzos!

    Reply
  • 2. SuperGulaman  |  January 17, 2009 at 9:03 pm

    yeah….maganda yang mga ganyan vision…positive na positive…🙂

    Reply
  • 3. eli  |  January 18, 2009 at 1:20 pm

    hello po. naku balitaan mo ako sa bago mong domain ha. Gudluck po.

    sya nga pala willing p akog mag-design pa ra sa iyo. tnx

    Reply
  • 4. dylan dimaubusan  |  January 19, 2009 at 1:46 am

    wow, sige sige abangan namin yan.. nice.
    any frustrated writer could write something anyway.

    thanks for sharing your coffee with us.
    cheers!

    Reply
  • 5. yanah  |  January 19, 2009 at 5:15 am

    pano naman yun, i dont drink coffee… ibig sabihin ba nun hindi na ko pwede sa magiging bago mong bahay?
    like i always said and believe, in any situation, there is no such thing as moving on… only moving forward… ahihihihihi

    Reply
  • 6. enjoy  |  January 19, 2009 at 6:16 pm

    @superG – bagong taon, bagong utak… este bagong pananaw🙂

    @eli – of corz naman balitaan kita sa bago kong domain. adik ako sa mga arts mo kya di ka pwede mawala sa bgo kong mundo. hehehe! at salamat dahil di pa man eh handa ka nang magpa-alipin este mag-share ng talent mo sa akin. salamat po ng marami ^_^

    @dylan – salamat girl sa muli mong pagbisita. you’ll always be one of my ka-kapehan. teker!

    @yanah – lahat invited kahit di nagkakape. meron din naman ako milo at tea at marami pang iba. hehehe! ganda ng mga tugtog mo sa site mo ha.. naaliw ako dun ng sobra🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


subscribe na!

Powered by FeedBurner

"Because I have loved life I shall have no sorrow to die..."

Ano’ng petsa na?

January 2009
M T W T F S S
« Dec    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Tamang kape…

Who brews with me:

Caren on Facing The Giants
i dont know on Kontrabida
i dont know on Kontrabida
jem on Ayan na…
dylan dimaubusan on Ayan na…

Coffee, anyone? :)

  • 4,497 hits

salamat sa mga bumisita ^_^


free counters
Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

%d bloggers like this: