Kape muna, bro

Noon pa pangarap ko ng maging journalist or writer. Ugali ko nang paglaruan ang mga salita at ipahayag ang aking saloobin. Humahanga ako sa eloquence ng mga manunulat na kayang kilitiin at pagalawin ang imahinasyon ng mga tao. Walang takot sa sa criticisms at di sumusuko. Hindi ako professional writer pero gusto kong maging katulad nila.

I realized my passion for writing when I became the lathalain (feature) editor of Ang Aliw-iw, our Filipino school organ in high school. After graduation, I took up Mass Communications—Major in Broadcasting and Minor in Journalism. But the road to writing was still blurry then. I dropped out from college and worked in a fast food restaurant where my talent was useless. At that time, I knew I had to give up my dream.

Matapos ikasal noong 1996, apat na kompanya pa aking napasukan. Isa rito ay ang telecoms company na nagpaunawa sa kin na ang “talento” ko ay hindi tuluyang nawala—natutulog lang pala—nang mabuo ng aming team ang isang intradepartmental group, na tumulong sa mga agents na i-manage ang kanilang stress at ilabas ang galit, inis o anumang natatagong emosyon, sa pamamagitan ng pagsusulat—tuwing coffee breaks. Ako ang naging adviser ng grupo na tinawag naming “P.I.P.O.L” o People’s Intellectual Perception About Life. Sa aming lingguhang miting, pinag-uusapan namin ang mga issue sa trabaho, problema sa buhay, emotional battles; kahit ano, walang definite na topic habang ine-enjoy namin ang free-flowing coffee. Natuto ako sa kanilang life stories; Natuto ako sa kanilang mga panulat. Sa org na ‘yun hindi lang ako adviser, isa rin akong studyante.

After several more years, I am still writing. But again, not as a professional writer or journalist but as a person who enjoys expressing her feelings and thoughts about her daily life, or about anything that surrounds her. As long as the topic can be discussed during coffee breaks, or just over a cup of coffee. I found a new outlet for my cluttered mind while sipping a hot cup of homemade mocha or black coffee, and that is through BLOGGING.

Alam kong medyo malabo pa ring mangyari na makilala ako sa field of writing pero malinaw na makakapagsulat ako ganitong paraan. Dito nabuo ang “Kape muna, bro…” Sa paniniwala kong ang lahat ay may kakayahang sumulat sa kahit anong paraan, binuo ko ang site na walang ipinagkaiba sa nasimulan ko bilang lathalain editor. Mas malawak na ngayon ang subject ko. Mas malawak sa apat na sulok ng school ground namin.

I am a self-confessed blogger. Certainly, I am not one of those bloggers who get more than ten (10) hits a day, or monetize their blogs (which hopefully I can also do someday). For the meantime, I’ll settle for a less complicated life. Ako’y magiging ako—a frustrated writer—who sits in front of her computer and write for the sake of loving the art of writing—while the cup of coffee is sitting on the coffee table next to her.

2 coffee gif Pictures, Images and Photos

Ang blog site na ‘to ay para sa mga mahilig sa kape, napipilitang magkape at lumalaklak ng kape. Para sa mga taong mahilig tumambay at mag-coffee break. Para sa mga kumpare kong nag-uumpukan sa umaga habang humihigop ng mainit na kapeng barako. Para sa mga eksekyutib na kape’t dyaryo ang almusal sa umaga. Para sa mga mahilig sa pandesal na sinasawsaw sa kape. Para sa mga bumibili ng kape sa coffee house, dine-in man o take out. Para sa mga nagluluto ng kape at gumagamit ng instant coffee. Para sa mga adik sa trabaho na ginagawang panggising ang kape. Para sa mga adik sa kape.

This blog site is for you who wants to share a cup of coffee with me.

Kape muna, bro.

Over second and third cups flow matters of high finance, high state, common gossip and low comedy. Coffee is a social binder, a warmer of tongues, a soberer of minds, a stimulant of wit, a foiler of sleep if you want it so. From roadside mugs to the classic demitasse, it is the perfect democrat. ~ Author Unknown

4 Comments Add your own

  • 1. govz  |  November 26, 2008 at 1:00 am

    nakakaaliw ang istilo ng panunulat mo ..
    pranka, derecho tapos biglang kakambyo …🙂
    Anyways, I hope you have a great christmas ahead of you ..
    And let not, whatever failures in the past …
    Hinder you from whatever it is you were destined to do…

    Tara sis, kape tayo :D…
    Enjoy …

    Reply
  • 2. anotherfrustratedwriter  |  November 26, 2008 at 9:53 am

    kumakambyo ba? di ko pansin eh… hehehe!
    siguro ganun talga ang buhay, mahirap pag palaging naka-tersera ka, dapat kumambyo din at mag-mellow. mahirap na baka mabangga. yay!

    salamat sa pagdaan bro at pakikikape. sa uulitin🙂

    Reply
  • 3. jem  |  January 21, 2009 at 11:05 am

    hehe..dati pangarap ko ding maging isang journalist..pero nauwi ako sa isang computer course na hindi ko naman gusto..pero okei na din, kasi kahita hndi naman tayo propesyonal na manunulat, nakakapagsulat tayo ng malaya at nang may saysay dito sa blog..yun! nagkaroon din ako ng blog dati na katema ng sa iyo..pero dinelete ko na.. ESPRESSONISMO..😉

    Reply
  • 4. bading  |  April 29, 2009 at 8:26 pm

    girl wagi ito! and speaking if kape, meron ako..meron akong alam bagong kumpanya ng kape….wagi din sa timpla at pagpipilian….just visit http://www.healthycoffee.com…abangan na lang dito saten…salamat sa pagshare mo ng kwento…

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


%d bloggers like this: