The Author

Itago niyo na lang ako sa pangalang “Enjoy”. Opo, Enjoy. Nickname ko ‘yan for 30 years na (idad ko ‘yan maniwala ka man o hindI… kzzttt! brooomm!). Para sa mga detalye ng pagkakaroon ko ng ganung alyas, saka ko na ikukuwento sa inyo.

cooltext404972081

*****

Panganay ako sa limang magkakapatid (ako/onad/ali/alba/mhavi). Sumbungan, shock absorber, arbiter, peace-maker.

Anak sa aming mga magulang (Paalam… Nay Siony. May you rest in peace. Tay Freddie, mahal kita.), at maalalahaning kamag-anak (‘di pa ko nakakalimot pag pasko).

Makulit na ina sa 2 pretty at makukulit na kiddos (jan/lian)

____________ na asawa kay Emengard (wala pa akong maisip na adjective na bagay para sa ‘kin…. sweet? thoughtful? mapagmahal? one of a kind?)

Manugang kay Boy at Nene (di na sila bata, promise). Hipag ni Jeff.

*****

Andito kami ngayon ni Emeng sa Singapore. Minabuting dito na (muna) tumira upang makaipon. Para sa kinabukasan ng mga bata.

Nasa ‘Pinas ang mga bata. Nagtatapos si Jan ngayon ng Grade Six; si Lian – Grade Three. Sa isang taon, sama-sama na kami.

Kasalukuyang nakikipagsapalaran si Emeng upang maging stable kami dito. Pansamantalang may-bahay ako.

Kasalukuyang abala sa harap ng kompyuter.

*****

k_screenshot

Isa akong tunay na miembro ng Rated-K:

kapatid

kamag-anak

kaibigan

kakampi

kakulitan

karelasyon

kasama sa bahay

kaututang-dila

kabungguang-siko

ka-chismisan

kabalitaan

kaharutan

kaaway

katext

*****

woman-listening-to-music11

Mahilig akong makinig ng music. Ito ang kasa-kasama ko sa pag-iisa. ‘Yung tamang “I want to be alone” at “I need space“. Tapos ang trip mo lang eh mahiga sa kama (pwede na rin sa sofa) habang nagmumuni-muni ng mga nangyayari sa buhay mo. O di naman kaya habang nagbabasa ng “good book” (mahilig akong magbasa… di ko nga lang natatapos).

*****

bloggersign

Mahilig akong magsulat mag-blog. Hindi ito ang first time kong gumawa ng isang blog site. Nagsimula ako sa Friendster out of curiosity sa isang kaibigan na blogger din doon. Pagkatapos ng 5 blogs, hindi na siya muling sumulat. Ewan ko kung bakit. Siguro tinamad na. KaiIan lang ay binura ko ang aking Friendster blogs para magpokus sa isa ko pang blog account, ang Multiply. Doon ako tumatambay kapag naiinip, nai-inspire, nasasaktan, naguguluhan at natutuwa. Doon ko ipinaskel ang ilang bunga ng pagkahilig ko sa photography (amatuer pa lang po ako pero proud sa bagong hilig ko). Doon ako nagsusunog ng kilay sa gabi at nagpalipas ng mahahabang oras (may Blogger pa nga pala na iniwan ko matapos ang ilang buwan na pagkadismaya). Kuntento na sana ako sa Multiply hanggang dumating ang (drumroll…..) WordPress. Masaya dito. Nakakaaliw. Maraming adik sa blog. Hindi mo pwedeng i-private ang mga blogs mo. Lahat open to public. Ayokong tawaging blogger para sabihin na ‘yun lang ang kaya kong gawin. Pero ang pagba-blog, sing-sarap ng mainit na sabaw na andun sa picture sa taas.

*****

coffee-cup

Mahilig ako sa kape. Kaya nga isinama ko ‘yun sa blog site title ko. Pero hindi ako isang addict na mamatay ng walang kape. I can still live without it. Isa akong biktima ng ulcer, migrane at palpitations. Naranasan ko ng ma-disorient ‘pag di nakakainom ng kape at manatiling gising hanggang alas-sais ng umaga. Hanggang dun na lang ‘yun. I still drink coffee in moderation. Sabi nga, caffeine is healthy if consumed in moderate amounts. Susundin ko na lang ang advice na ‘yun kesa totally i-eliminate ang kape sa aking sistema. Hindi ko pa kaya. Hindi pa panahon. The best thing about coffee, it keeps me company even when I’m blogging… and blabbing.🙂

*****

Bukod sa kape, paborito ko din ang dark chocolate. Kahit anong brand basta dark or bitter chocholate, solb na ko. Pwede na din ang Meiji (uy, mahal ‘yun ha).

Java Chip ng Starbucks, Double Chocolate Frappé ng Mc Café, Chocolate Macadamia Nut ng Gloria Jeans.

Pasta, Caesar Salad, pizza, garlic bread, oatmeal, non-fat milk, gulay.

Mahilig akong (mag-eksperimento) magluto. Mahilig din kasi akong kumain. Pero weight concious ako.

Wala akong bisyo, maliban sa pagbili ng damit, sapatos at bag.

Marami akong damit, sapatos at bag. Hindi lahat branded.

Nabanggit ko na bang mahilig ako sa damit, sapatos at bag?

girlshopping

*****

Mahilig akong mag-drawing. Fine Arts sana ang gusto kong kunin noon sa kolehiyo. Ayaw ng nanay ko. Wala daw pera dun.

Mahilig akong kumanta. Dati akong member ng choir. Ngayon sa Magic Sing na lang ako kumakanta.

Naging hilig ko ang gitara, basketball, at volleyball.

Nahilig din ako sa skateboard at bisikleta.

Pati na sa pag-akyat sa puno ng aratiles. Dati yun, ngayon hindi na.

Babae po ako.

*****

Hindi ako mahilig manood ng TV at pelikula. Mas gusto ko pang magbabad sa internet kesa magbabad sa harap ng wide screen. Pero marami na rin akong napanood. Nagustuhan ko naman sila. Series pa nga ang iba.

Hindi ako mahilig maglakwatsa… ng walang kasama. Nakakatamad. Boring.

Ayoko ng epal at plastic; arogante at basagulero.

Ayoko ng ginisang munggo (yung ulam), mansanas, lansones at peras. Pag pinilit mo kong kumain ng mga yun, magkaka…kurutan tayo.

Ayoko ng high o stiletto heels, pero gusto kong subukan. Ala lang. Para maiba lang.

Ayoko ng malungkot. Kaya nga ENJOY ang nickname ko.

*****

Fan ako ni Bob Ong at Pol Medina.

Julia Roberts, Anne Hattaway, Orlando Bloom (keber ko kung bakla siya), Will Smith.

TV series marathon: Heroes, CSI Las Vegas, Desperate Housewives. Lahat downloaded galing sa internet.

Sa music: acoustic, soft pop, ballad. Pwede na din ang dance.

Peborit ang puti, itim at fink, este pink.

*****

May pet na lhasa apso na ang pangalan ay Kiki (nakuha ko yan sa pangalan ng singing monkey sa isang show sa Sentosa, si Kiki d’ Monkey. Wag lagyan ng malisya.) at ang namatay na shitzu, si Yuki.

Naging mga aso ko din ang mga askal na sina Cooper, Sakura at Chu-chu. (Sumalangit nawa kayo kasama ang iba pang mga aso)

*****

Makulit ako, madaldal makuwento, pala-kaibigan, pala-ngiti, pala-“munin”.

Adik sa lip balm at wet tissue.

Kolektor ng ballpen, mugs, butones, jars.

Frustrated writer.

Acrophobic (afraid of heights) at katsaridaphobic (afraid of cockroaches).

Mahilig mag-organize.

OC.

*****

Mahilig ako sa bag, sapatos, at damit……..

Nasabi ko na ba ‘yun? Sorry

*****

Pansin niyo ba…

• na madaldal makuwento ako?

• na may symptoms ako ng schizophrenia?

• na feeling blogger na ako talaga?

• na hilig ko ang damit, bag at sapatos?

• na makulit ako?

Ako din pansin ko. Hayaan niyo na lang. Lilipas din ang gutom ko… Saglit, magkakape lang ako.

4 Comments Add your own

  • 1. ROELLE ARADANAS  |  November 17, 2008 at 11:54 am

    True enough, your new site is really Enjoyable…….I like coffee too!
    ——————————————————————————
    ~ salamat po sa pagbisita at sa pag-appreciate sa mga blog mula pa sa multiply…. sa muling pakiki-kape roelle🙂

    Reply
  • 2. jude drm  |  November 18, 2008 at 1:03 pm

    nice to ha! ENJOYED reading this. getting to know you through your blogs. keep on writing and i’ll just keep on reading hehe.
    ———————————————————————-
    ~ maraming salamat sa pagdaan jude. nakakaaliw naman talga sumulat db? nae-express mo lahat. ENJOY! balik ka ulit ha🙂

    Reply
  • 3. eliment  |  December 3, 2008 at 8:09 am

    pwde bang makikape? hehe

    ‘enjoy’ ako sa mga kwento mo! para itong mainit na kape na nagpapainit sa nilalamig na bahagi ng buhay.

    Reply
  • 4. enjoy  |  December 3, 2008 at 10:46 pm

    @eliment – hehehe! maraming salamat po sa papuri. kataba naman ng puso. lalo’t galing pa sa isa sa mga legends ng blogospiya. kahit bottomless coffee (paabor muna dylan…hehe!) pa, OK na OK!!!
    🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


%d bloggers like this: